LUI's POV
"Baby, bakit kase kasama 'tong mga asungot na 'to satin eh!" Pagmamaktol ng girlfriend ko sakin habang kinakarga namin ang mga gamit namin sa sasakyan.
"Baby, that's fine. Kaya nga family outing eh. Hehe."
"Oo nga Gene! Mga pinsan mo kami ah. Grabe ka!" Sigaw naman ni Ria sakanya.
"Oo nga. Pero bakit samin kayo sasakay? Bakit hindi nalang kila mommy o magdala kayo ng sarili nyong sasakyan?" Inis padin na tugon ni Gene sakanila.
"Bonding nga diba tapos maghihiwalay hiwalay pa tyo? Ikaw ha. Porket bati na kayo magbestfriend eh sosolohin mo na. Namiss din naman namin si Lui noh!" Bulyaw naman ni ate Loida.
At sumimangot nalang 'tong babyko. Hahaha. Ang cute cute niya mapikon. Nakakatawa silang tignan. And yes, mas pinili ni Gene na wag muna sabihin ang relasyon namin kahit sa mga pinsan niya. Buti nalang sanay na sila sa sweetness namin.
Papunta kami ngayon sa Laiya, Batangas. Nauna na ang parents namin ni Gene, kami kse ay dinaanan pa namin tong tatlong to. Haha. Ako ang nagdrive. Katabi ko sympre si Gene at nasa likod naman si Ate Loida, Ria at si Isay. Magulo at maingay nung una pero biglang napagod at nagsitulog ang mga loko.
"Baby, you can sleep, too. Dont worry, hindi ko to ibabangga." Sabi ko sa girlfriend ko na nilalabanan ang antok.
"Dapat kase si Ria o si Isay nalang pinagdrive mo eh. Mga abusado sila."
"Haha. Baby naman. That's fine." Sabay huli ko sa kamay niya sa lap at mabilis itong hinalikan.
Buong byahe namin ay hawak ko ang kamay ng girlfriend ko habang nagmamaneho. Sumasabay lang kami sa mga kanta ng Boyce Avenue na pinapatugtog namin.
Bandang ala una na ng dumating kami sa private resort namin. Sinalubong naman kami ng mga kasambahay namin at kinuha ang mga gamit sa sasakyan at inakyat sa mga magihing kwarto namin.
Pagpasok namin sa bahay ay masayang nagkkwentuhan ang mga magulang namin sa hapag kainan.
"O anak andyan na pala kayo. Halina't kumain." Yaya samin ni Dad.
Sabay sabay kami na nanghalian. Nagtatawanan at magkwekwentuhan.
"O girls, kayo na bahala dito ah. Pupunta kase sa kabilang town at may business meeting kami doon." Sabi nman ng daddy ni Gene.
"Business nanaman, Tito? Akala ko po family outing?" Tanong ni Ria habang kumakain ng ice cream.
"Reunion din ng kse ng batch namin. We'll be back by tomorrow ng lunch time" Sabi ni Tita Andrea na mama ni Gene.
Hindi naman ako nagreact dahil alam ko na yung plano nilang yun. Tyka sanay na din ako na sinasabay nila ang business sa mga bakasyon tulad nito.
After namin kumain ay umalis na ang mga magulang namin at kami naman ay nagtungo sa mga kanya kanya naming kwarto. Sama sama sila Ria, ate Loida at Isay sa isang kwarto at kami naman ni Gene.
Humiga nko sa kama para magpahinga. Pero alam kong gustong gusto nila maglibot ngayon. Haaaay.
"Baby, rest ka muna. Alam ko pagod kang nagdrive. Kami nalang muna maglilibot. Okay?"
"Okay lang ba? Promise. 2hrs sleep lang." Sabi ko kay Gene na nakapikit. Can't help it. Antok talaga ako.
"Oo naman babyko. Mabilis lang kami. Iloveyou." At dinampian niya ako ng halik sa noo.
"Ang bait talaga ng girlfriend ko. Sge po. Ingat kayo. Iloveyou" at tuluyan nakong nakatulog.
-----------------
GENE's POV
BINABASA MO ANG
MOO (My One and Only)
RomanceWhat will you do if you fell in love with your student?
