ISAY's POV
"Lui, are you okay?" We're currently travelling papunta ng Quiapo via UV. She seems... unease?
"Motion sickness."
"Rest mo muna ung ulo mo sa balikat ko. You want?"
Hndi siya sumagot. Pero niyakap nya ang braso ko at sinandal ang ulo nya sa balikat ko. Napasmile ako sa ginawa niya. Para siyang bata na nakayap sa manika niya.
Nakaidlip din ako sa byahe namin. Traffic din kase at ang daming tao sa daan. Pero talent din talaga siguro ng mga taga dto sa Manila na nagigising sa lugar na bababaan nila.
Ang daming tao dto sa Quiapo. 10am mass dn ang na'attendan namin na misa. Hindi binitawan ni Lui ang kamay ko simula palang ng pagpasok namin dto sa simbahan. Maya maya ay hinahatak niya ako dahil nakaharang ako sa mga dumadaan at mabubunggo ako.
Pagkatapos namin magsimba ay naisipan namin kumain sa dunkin donut. Libre ko sakanya dahil sinamahan niya akong magsimba.
Hindi kami naguusap. Pero hindi naman awkward ang pakiramdam. Kahit ata hindi kami magusap, basta makasama ko siya ay okay na. Maya't maya pa ay nagring ang fone nya.
"Excuse lang Isay ha." sabi niya at tumango nlng ako. Lumayo siya ng konti saakin. Pero tanaw ko padin siya mula sa aking kinauupuan. Pinagmasdan ko lang siya. Bakit ganun? Parang lungkot ang dala ng taong kausap niya? Mga pilit na ngiti ang aking nakikita?
Pabalik na siya sa upuan namin ay nginitian ko siya, nginitian niya din ako pabalik.
"Uhm, Isay. Anong gala mo ngayon?" tanong niya sa akin
"Actually, mamaya ko pa iisipin kung saan ako pupunta. Hahatid muna kita sa dorm mo"
Tumingin siya sa relo nya, at sinubo ang natitirang piraso ng donut niya. Uminom ng tubig at hinila na ang aking kamay.
"Teka sandali" sabi ko pero nagpatangay padin ako saknya.
Sumakay kami ng jeep.
"San tayo pupunta?" tanong ko sakanya
"Secret. Hahaha" baliw ata tong taong to. Siguro kung ibang tao to ay matatakot ako. Magbebente kwatrong oras ko palang siya nakikilala pero pinagkakatiwalaan ko siya kung saan niya man ako dadalhin.
Bumaba kami sa sakayan ng mga bus. At sumakay agad sa bus na may karatolang "Tagaytay". Pagka'upo namin ay wala pang ilang minuto ay umalis na din ang bus.
"Lui, anong gagawin natin sa Tagaytay?"
"Magbabagong taon?"
"Dun tayo matutulog?!"
"Siguro? Bagong taon nga dba?"
"Wala tayong damit na dala. San tayo tutuloy dun? San tayo matutulog?" sunod sunod na tanong ko at napatawa siya ng mahina.
"Just trust me Isay. Okay?"
Hindi niya na ako hinayaan sumagot. Kinuha niya ang fone niya at may tinatawagan.
"Hey Gene. Kidnapin ko muna pinsan mo ha?/ Bukas ko na iuuwi./ Wag ka na magtampo./ Sa Tagaytay/ Wag ka na sumunod at wala kang kasama. Delikado/ Dont worry, iuuwi ko ng buo ang pinsan mo (Sabay tingin saakin at kindat) Or not.Hahaha/ Yes po. I'll update you. / Iloveyoutoo/ Bye."
"Wala tlga kayong something huh?" Pangaasar ko sakanya.
"Why?"
"You said 'iloveyoutoo' meaning nag'iloveyou siya sayo."
"Why? Dont you love your cousin?" tanong nya at hndi ako nakasagot.Oo nga noh? d porket may iloveyou na e may something na.
"Exactly." She said na parang narinig nya ung thought ko. Niyakap niya na agad ang braso ko at humilig sa balikat.
BINABASA MO ANG
MOO (My One and Only)
RomanceWhat will you do if you fell in love with your student?
