Chapter27- together?

2.1K 53 0
                                        

GENE's POV

Everything is going well between me and Lui. First time ko man magkaroon ang karelasyon at patago pa, Lui never let me feel na uncomfortable. 2mos na din kami going on 3. Hindi pala talaga na'aalis sa isang couple ang tampuhan,awayan at selosan. But what's good with us is that, never kami matutulog with a heavy heart. Pinaguusapan namin kung ano ba yung problema.

Nagresign na ako as a faculty sa school. I choose to be a full-time dentist. Nagttrabaho ako sa clinic at may boss ako. Hindi kase ganun kadali magtayo ng sariling clinic. On the other hand, Lui is still pursuing her dream to be a dental surgeon. 5 years to go for her para makamit ang gusto nya. And I'm willing to support her along the way. Kahit minsan nakakainis na. Hehe.

"Baby, baka nman mauna pa ung galing Aklan at Nueva Ecija satin. Tagal mo."

Hay. Ayan nanaman siya. Hirap pala magka'girlfriend ng laging on time.

"Wow ha. Kala mo siya hindi nalalate sa mga dates natin. Sandali na lang ho ito." Sagot ko sknya. Hindi ko kse mahanap ung ripped jeans ko eh.

"Oi. Yung akin ho, hindi ko hawak oras ko sa hospital. E ikaw kanina ka pa jan."

Hindi nko kumibo at nag'floral dress nalang. Alam ko naman wala akong pamana ngayon. Dahil alam kong tama siya. Hehe. Paglabas ko ng banyo e nakahiga siya sa kama ko at nakapikit. Tulog is life talaga sa babaeng to.

Nilapitan ko siya at dinampian sa labi para magising siya. Napangiti naman siya pagmulat ng mga mata siya.

"Ganda talaga ng babyko. Tara na? Baka naghihintay na sila satin." Sabi niya at tumayo na.

------
"Finally, both of you are here. Akala namin hindi niyo kami sisiputin eh!"

"Nako, Papa. Pasensya na po kayo. Eto kseng si Gene, sabi ko 5:30 dapat ready na. 6pm na ko dumating sa boarding house nya hindi padin tapos."

Hmp! Sumbungera talaga tong babaeng 'to eh. Nagbeso na kami sa mga magulang namin at umupo ng magkatabi sa hapag kainan.

Andito kami ngayon sa isang hotel. Dumating kse sila Papa kanina from Aklan at sila Dad (Lui's parents) from Nueva. May business trip sila sa HK early in the morning tomorrow kaya naisipan nadin makipagkita samin.

We ate dinner happily. Lagi naman eh. No dull moments yung mga parents namin. Madalas kami pa ni Lui ang na'oout of place sakanila.

"Ay mga anak, my pabor sana kaming hihingiin sainyo." Panimula ni mommy at nagtinginan silang apat.

Kinakabahan ako kung paano sila magtinginan sa isa't isa. Na hahalata na kaya nila?

"Ano yun, mom?" Tanong ni Lui na parang hindi interesado sa sasabihin kaya sakanya naman ako napatingin.

"Napansin kase namin na sobrang close niyong dalawa. Very unusual sa dating prof at studyante noon." Sabi ni Mommy. Dang it! Kinakabahan ako!

Kumunot noo ni Lui bago nagsalita. "Straight to the point,Mom. Ano ba yun?"

"We were thinking since nga close kayo ng sobra, Maybe---"

"Maybe what, Dad?" I cut Lui's dad. E sa nakakatense sila eh!

"Maybe you two could live together sa condo ni Lui." Direstsong sabi ni Papa.

"What?!" Gulat na tanong namin ni Lui. Pero mas nagulat ata si Lui.

"O bakit? Ayaw niyo ba?" Tanong ni Mommy samin. Pero nanatili kaming tahimik at shocked ni Lui.

"Since nga super close nyo, why not live together? Para hindi din kami nagaalala sainyo. We know na aalagaan nyo ang isa't isa. Tyka ikaw Lui mag'isa sa condo, ikaw naman Gene mag'isa nadin sa boarding house since umalis na si Ria." Paliwanag ni Mama samin.

MOO (My One and Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon