Chapter 4

21.3K 718 46
                                        


Chapter 4

BAWAT TANONG ni Bea sa kanya ay sinasagot niya. Pero bawat sagot niya ay hindi totoo sa buhay niya. Mga tanong nito ay mahirap sagutin lalo na kung isa sa taong nito ay tungkol sa buhay niya.

Tulad nalang ng kung maganda daw ba ang bahay niya at kung gatas ba ang pinanliligo niya dahil daw sa makinis at maputi ang kutis niya. Tinanong rin nito kung anak araw siya at sinagot naman niya ito na nagpakulay lang siya ng buhok.
Madaldal si Bea at matanong kaya nauubusan siya ng mga sasabihin rito. Hindi na nga niya napapansin ang paligid, lalo na si Lio na tahimik lang dahil dito. Maihahambing niya ito sa pinsan niyang si Celeste pero hindi katulad ng pinsan, hindi niya magawang mainis kay Bea.

She actually like her. She is cute, bubbly and has a very lively personality. Parang hindi nito iniinda ang kahirapan.

"Paglaki ko, gusto kong maging isang doktor."

"Bakit naman doktor?." Tanong niya.

"Para ako na ang mang-gagamot sa mga kapatid at mga magulang ko kung may sakit sila. Para hindi na nila kailangang magbayad ng mahal."

Tumango siya. "Mmm. Good choice. Maganda ang pangarap mo. Pero mahal ang tuition kung magdo-doktor ka."

"Skolar naman po ako e. Gagraduate na nga ako ng highschool."

"Talaga?."

"Opo. Ate'ng anak araw."

Napangiwi siya sa pagtawag nito sa kanya. "Nathalie ang pangalan ko, Bea."

"Ang ganda naman po ng pangalan niyo, ate Nathalie."

"Ikaw rin naman a. Maganda ang pangalan mo. Beatrice."

"Pero mas maganda ang sa'yo. Pangmayaman."

Nginitian nalang niya si Bea saka pasimpleng bumaling kay Lio. Kanina pa ito tahimik at batid niyang galit ito sa kanya. Babalik na siya sa batangas pero hindi pa siya nakakahingi ng tawad dito. Mukhang wala naman itong balak na patawarin siya.

Kasalanan rin naman kasi niya. Masyado niya itong hinamak. Kung narinig lang iyon ng lolo niya, siguro ay sangkatutak na sermon ang naabot niya.

"Wala pang kasintahan si kuya, ate Nathalie."

"Ha?." Bumaling siya kay Bea. "Hindi ko naman tinatanong."

"Nakatingin ka kasi sa kanya. May gusto ka ba sa kuya ko?."

"Wala a. Tumingin lang ako kasi. . ano, ahm. Ang itim niya, hindi na siya makita sa dilim." Pagdadahilan niya at doon tumingin sa kanya si Lio ng masama hindi ito nagsalita.

"Sorry." She mouthed.

"Pagbaba natin sa bayan, maghihiwalay na tayo ng landas. Hahanap ka ng bus, pabalik sa lugar mo, naiintindihan mo?."

Pinukol niya ito ng masamang tingin. How dare he boss her around?. Hindi porket nasa teritoryo siya nito ay uutos utusan lang siya nito basta.

"Hindi ka manlang ba mamamalagi sa amin, ate Nathalie?."

Tumingin siya kay Bea at bakas sa mukha nito ang lungkot. "Pinapauwi na ako ng kuya mo e."

"Kuya. Hindi ba siya muna titira pansamantala sa bahay?."

"Hindi siya sanay sa makipot na lugar. At baka hinahanap na siya ng tatay niyang si mang Tonyo." Iyon kasi ang sinabi niya kay Bea, si mang Tonyo ang tatay niya.

Bumaling sa kanya si Bea. "Hindi ka po ba nagpaalam kay mang Tonyo?."

"N-Nagpaalam ako."

"Napaalam naman pala kuya e!."

Herrera Series 6: Falling for Ms. DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon