Chapter 6
"NASAAN SI Daddy?." Kunot noong tanong niya sa ina nang dumalaw siya sa mga ito.
Wala naman siyang balak na dumalaw dahil sa dami ng trabaho niya, pero kailangan niya para naman hindi ng mga ito masabing wala siyang pakialam sa mga ito.
Pero ang kanyang ina na nag-mumokmok sa kwarto nito habang umiinom at naninigarilyo lang ang naabutan niya. Wala ang kanyang ama.
"Nambabae."
Kinuyom niya ang kanyang dalawang kamao at saka bumuntong hininga. This is the first time that her mom never actually lied to her.
She knows, that everytime she sees her mom like this is when her cheating father is sleeping with other woman. Lagi naman niyang tinatanong ang ina niya noon pero hindi ito nagsasabi sa kanya ng totoo. Ngayon lang.
"Kailan pa?."
"What?." Walang ganang tanong ng kanyang ina.
"Kailan pa siya wala dito?."
"I thought you'll ask me when he is cheating on me."
She snorted. "Mom, men are men. Kapag nag-sawa sa paksiw, hahanap ng sinigang. Ofcourse I know."
"It's been a week."
"And you never bother to go look for him?. Nandito ka lang at nagmumokmok?, sinusumpa silang dalawa sa isip. And then what?. Kapag nakita mo na naman si daddy, okay na naman?. You'll again become a pathetic—"
"Dahil ayaw kong masira ang pamilya natin!."
Sarkastiko siyang natawa. "From the very beginning, hindi tayo naging buo. Just like tita Esia's family, we are broken. Kahit pa sabihin mong kasal kayo at nagsasama, kung tumitikim naman ng ibang putahe ang asawa mo, buo pa ba 'yon?. Ma, will you open your damn mind just for once?!. Siya na mismo ang sumisira ng pamilya natin. Alam mo ba kung bakit, tinawag silang haligi ng tahanan?. Dahil kapag may anay na dumantay kahit sa isang paa lang, masisira at masisira ang pundasyon. Damay lahat!.
"Mom, I'm already old enough to know everything!. Hindi na ako bata!. Di'ba?. Kaya ayaw ipagamit sa akin ni Lolo ang apelyido ni Daddy ay dahil sa ugali ni Daddy at ayaw niyang mapahiya ang pamilya natin?. Kaya ako ibinukod sa inyo, dahil ayaw niya akong maging kagaya ni Sera. O kaya ni Celeste, o kaya ni Eros. He don't want me to end up being cold to other people or being a rebel. Drinking liquor and smoking aren't gonna help you. Stop this fucking attitude of yours because it's not doing any good to me!."
Bigla ay pumalahaw sa apat na sulok ng silid ng mga magulang niya ang maingay nitong pag-iyak. Nakakabingi, nakakainis at nakakarindi. Pero hindi siya umalis. Hindi niya iniwan ang ina kahit pa hindi niya ito nilapitan upang patahanin.
"I'm tired!."
She sighed. "Sino bang hindi?."
"Nakita ko siya!. Kasama ang haliparot na babaeng 'yon!. Gusto ko silang lapitan at sabunutan ang babae niya. Pero kasi, kapag nag-eskandalo ako, ang pangalan natin ang madadamay. And I don't want that to happen. Ayokong masermunan ng lolo mo. I don't want to hear him say 'I told you so'. Anak, I love you more than I love your father and as much as I want to divorce him I can't because I am thinking about you. Paano ka kapag naghiwalay kami?."
"Then don't." Aniya. "Pero ayaw kong makita ka na ganito. Nagmumokmok kapag hindi ka niya tinatabihan sa gabi. You don't need him anyway, your menopose for goodness sake!."
Lalong lumakas ang iyak ng kanyang ina. Humiga ito sa mahabang sofa saka binaluktot ang katawan nito na parang bata.
She rolled her eyes. "Mom, stop this nonsense, will you?. Ganito ba kapag kinasal ng pilit?. Tapos gusto niyo akong ipakasal sa hindi ko naman mahal?."
BINABASA MO ANG
Herrera Series 6: Falling for Ms. Dangerous
General FictionNathalie Herrera grew up in a country side for as long as she can remember. Kaya naman mas pinili niyang manirahan sa probinsya at pamahalaan ang rancho na pinamana sa kanya ng kanyang lolo kaysa ang manirahan sa lungsod at makipag-sosyalan. She li...
