Chapter 5
AFTER THEIR late dinner they all slept. Just like that. Eight palang ng hapon ay matutulog na sila. Samantalang sa rancho, ay nagtatrabaho palang siya. Tuloy ay nanibago siya.
Hindi siya sanay na hindi malambot ang hinihigaan niya. Tanging banig, kumot at unan lang ang meron siya. Walang aircon at lalong lalo na sa malamok. She think that she can't survive a night. She didn't even know if she can sleep tight. Lalo na ngayon na kasama niya ang binata.
She sighed.
Silang dalawa ni Lio ay nasa sala. Siya sa mahaba at matigas na upuan nila Lio, habang si Lio naman ay nasa lapag. Ang mga magulang at kapatid ng binata ay nasa iisang kwarto at si Basilio na sumusunod kay Lio ay nasa kabilang bahay, sa asawa raw nito.
"Gising ka pa?." Tanong niya kay Lio. Nagbabakasakaling gising pa ito.
"Oo. Hindi ako makatulog. Ikaw?."
"May tulog ba na nagtatanong kung gising kapa?."
Lio tsked. "Kahit kailan, ang pilosopo mo."
She chuckled. "What can I say?, I'm a Herrera." Tumagilid siya saka sinilip ang binata. "Dito kaba talaga natutulog?."
"Hmm."
Nakahiga ito at unan unan ang isang kamay. Dahil tanging gasera lang ang gamit nilang ilaw ay hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito kaya kailangan pa niyang dumukwang para mas maaninag ito.
Ngunit gano'n nalang ang gulat niya nang magkamali siya at mahulog sa kinahihigaan dahilan para mapatong siya sa katawan ng binata. Magkadikit ang pareho nilang dibdib.
Bumilis ang tibok ng puso niya nang humawak ito sa tagiliran niya dahilan para makaramdam siya ng kakaibang kuryente na lumakbay sa buo niyang katawan. Ang kanilang mukha ay magkalapit na kaya naamoy niya ang mabango ang mainit nitong hininga. Maging ang natural nitong amoy ay nanuot sa kanya.
She felt it again. That weird feelings. Iyong kakaibang tibok ng puso na kay tagal na niyang hindi naramdaman. Sa pagkakatanda niya ay kinulong na niya ang puso niyang iyon. Pero ito't kakaiba ang pagtibok dahil lang sa paghawak sa kanya ni Lio.
"L-Lio. ." hindi niya magawang alisin ang sarili dahil sa nakahawak ang parehong kamay nito sa kanya. "L-Let go. ."
"Hindi kita maintindihan." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang lalaking lalaki nitong boses. Animo'y malaking tao, sa sobrang lalim ng baritono nitong boses. "Hindi ako marunong mag-ingles, Nathalie."
"P-Pakialis ng kamay mo."
Hindi ito kumilos, nakatingin lang ito sa kanya ng napakatiim kaya naman mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Para siyang hinahabol sa sobrang bilis.
"Lio. H-Hindi na ako makahinga."
Bumuntong hininga ang binata saka siya nito pinakawalan. Mabilis siyang bumangon at bumalik sa kinahihigaan niya kanina. Tumagilid siya patalikod sa binata at mahigpit na humawak sa parte ng dibdib kung nasaan ang puso niya.
And then, it became awkward. Parang may dumaan na kung ano na siyang naging dahilan ng pagkatahimik nilang pareho. Pero ang puso niya ay hindi parin humuhupa. Kahit na anong pagpigil niya ay hindi niya ito mapatahan.
"Matulog kana," ani Lio. "Para maaga tayong magising at makababa bukas. Ako na ang maghahatid sa'yo."
"S-Sige." Pinikit niya ang kanyang mga mata. Nakapikit lang siya, hanggang sa lamunin na siya ng kadiliman.
BUMANGON SI Lio nang marinig ang mahinang paghilik ni Nathalie. Akala niya ay hindi pa ito makakatulog dahil hindi nito sanay sa hindi malambot na tulugan.
Pero laking gulat niya nang mauna pa itong matulog sa kanya. Siya na dapat ay kaagad na nakatulog. Ngunit dahil sa presensya ng dalaga ay hindi niya magawang hatakin ang antok.
BINABASA MO ANG
Herrera Series 6: Falling for Ms. Dangerous
General FictionNathalie Herrera grew up in a country side for as long as she can remember. Kaya naman mas pinili niyang manirahan sa probinsya at pamahalaan ang rancho na pinamana sa kanya ng kanyang lolo kaysa ang manirahan sa lungsod at makipag-sosyalan. She li...
