Chapter 12

27.6K 834 142
                                        


Chapter 12

BUONG  linggo na nanatili si Lio sa libraryo nila Nathalie. Hindi niya maiwan-iwan ang mga libro na inaakit siya na basahin ang bawat pahina ng libro at bawat pahina ay nakadagdag sa kaalaman niya. Pinapadalhan nalang siya ng pagkain at meryenda. Pagkatapos naman ay dinadalaw siya paminsan minsan ni Nathalie at ng ina nito na magiliw siyang binabati tuwing umaga.

Gusto niya ang amoy ng libro, ang mga letrang nabubuo at kanyang natututonan ay gusto niya. Kung pwede lang hingiin ang mga iyon ay hiningi na niya pero nahihiya siya.

"Rockheaded." Usal niya sa bagong natutunan. Iyon kaagad ang pumasok sa isip niya nang maalala ang dalaga. "Impatient, coldhearted. Hmm, beautiful. You are beautiful. Paano ba magkabit-kabitin lahat? Ahm. . . You're impatient, coldhearted, rockhead and beautiful." Napangiti siya sa tinuran saka tumayo sa kinauupuan. Lalabas upang sabihin kay Nathalie ang natutunan.

Ngunit nang buksan palang niya ang pinto ay narinig na niya ang sigawan sa labas. Nahinto siya upang silipin ang nangyayari sa labas at nakita niya si Nathalie, ang ina nito, ang ama at kasama nito ang babae na nakita nilang kasama ng ama ni Nathalie sa restaurant na kinainan nila. Masama ang tingin ni Nathalie sa ama nito at sa babae. Ang ina naman nito ay walang magawa kundi ang awatin ang dalaga na may dalang baril.

Nanlaki ang kanyang mga mata saka mabilis na lumabas sa silid upang lapitan ang dalaga. Hinawakan niya ang kamay nito na may baril saka kinuha agad ang baril pero mahigpit ang kapit ng dalaga kaya hindi niya iyon maagaw.

"Nathalie."

"Stay away, Lio. Baka ikaw ang matamaan ko." Hindi iyon pagbabanta, alam niya at nasisiguro siyang kaya iyong gawin ni Nathalie. "Alis!"

Umiling siya. Kailangan niyang maging matapang. Kailangan niyang lampasan ang tapang na ipinapakita ng dalaga sa kanya. "Barilin mo ako, wala akong pakialam. Hindi ka naman makukulong dahil hindi naman kita ipapakulong. Mas mabuti ng ako, huwag ang ibang tao."

Bumaling ang dalaga sa kanya at halos manlamig siya sa napakalamig na tingin sa kanya ng dalaga. Ni hindi manlang ito makitaan ng pagbanta ng luha. "Anong mararamdaman mo kung ang pamilya mo ay masira dahil lang sa isang anay? Na kahit na anong ayos mo, kung 'yong anay na 'yon ay panay ang kapit, wala parin? Masakit na nga na makita na nakikipagdate ang ama ko sa iba, plus baby pa. Pero sobrang sampal naman na sa mukha namin na dalhin pa niya dito ang babae niya at patirahin. Ano 'to lokohan? Kami pa ang mag-aadjust sa babae niya? Kami pa ang magpapakababa para sa sampid niya! Hell no!"

"Anak---"

"Shut up! Shut up!" Umalingawngaw sa pandinig nila ang malakas at nagbabantang tinig ni Nathalie sa ama nito. "I don't want to hear any of your explanation! Kung gusto mong ibahay ang kabit mo, huwag dito sa teritoryo ko! This house are belong to Herrera only at kayong dalawa ay hindi mga Herrera. Kahit pa 'yang pinagbubuntis ng kabit mo!" Mabilis niyang kinuha ang kamay nito na may hawak ng baril na ginamit pang-duro sa tiyan ng babae. "Ang bababoy niyo! Ang gagagaling niyo! Kung si Mommy nakakaya niyo, ako hindi! I am a Herrera at kahit kailan, hindi nagpapatalo ang mga Herrera. So GET OUT!" Itinaas nito ang kamay na may hawak na baril saka iyon ipinutok dahilan para maalarma ang lahat. Maging siya, pero hindi niya ito pinakita. Kailangan siya ng dalaga. "Bago ko, pasabugin ang mga bungo niyo! Bago niyo pagsisihan na tinapak niyo ang mga paa niyo sa pamamahay ko!"

"T-Tara na." Aya ng babae sa ama ng dalaga. Ang mukha nito ay namumutla na at nanginginig sa takot.

"I'm sorry." Iyon lang ang nasabi ng ama nito bago tuluyang lumabas ng bahay kasama ng babae.

Malakas na sumigaw ang dalaga at nagtungo sa ikalawang palapag ng malaking bahay. Sinundan niya ito hanggang sa silid nito. Hindi nito iyon sinara ang pinto kaya malaya siyang nakapasok.

Herrera Series 6: Falling for Ms. DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon