Chapter 3NAKAMAANG si Lio habang pinagmamasdan ang dalaga na may hawak na double barrell. Iyon daw ang tawag doon sa baril na may dalawang butas. Isang putok lang ay dalawang bala ang lalabas.
Nasa masukal silang kagubatan. Siya ay nagbabantay sa kabayo, samantalang ang Señorita niya ay siyang nag-aabang ng mga kawatan.
Iyon ang ipinunta nila sa gubat. Nasa may boundery sila ng hacienda ng isa ring mayamang pamilya at boundery rin ng rancho ng mga Herrera.
"Hindi pa ba tayo uuwi, Señorita?." Tanong niya sa dalaga. "Malalim na ang gabi at—"
"Kung gusto mong umuwi, umuwi kana. Kaya kong mag-isa rito."
Ang tagal na nilang magkasama nito pero ngayon lang ito nagsalita at sobrang lamig pa tono nito.
"Hindi naman ho kita pwedeng iwanan rito—"
"O di manahimik ka diyan." Angil nito saka humarap sa kanya. Naroon na naman ang malamig na tingin nito sa kanya. "Simple lang ang pinapagawa ko sa'yo diba?. You don't have to hold gun, just watch the two horse."
"O-Oho." Aniya, kahit hindi naman niya naintindihan ang sinabi nito.
Muli siya nitong tinalikuran. Nagkaroon na naman ng katahimikan sa paligid nila, hanggang sa tumunog ang kanyang tiyan, tanda na nagugutom na siya.
Napapahiyang tumingin siya sa dalaga na ngayon ay nakatingin uli sa kanya. Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga saka siya nito inirapan.
"Pasensya na ho, Señorita."
"Umuwi na tayo." Tumayo ito saka pinagpagan ang sarili. "Ayokong maging dahilan ng pagkamatay mo." Anito saka padabog na kinuha ang lubid ng kabayo sa kanya. Mabilis itong sumampa sa kabayo. "Hee-yah!."
Nasaktan siya sa sinabi ng dalaga pero kaagad rin naman niya itong ipinagsawalang bahala.
Sumampa narin siya saka kabayo at sinundan na ang dalaga. Pinantayan niya ang dalaga. Nag-aalala siya dahil mabilis itong magpatakbo.
"Senyorita, baka ho maaksidente ka sa sobrang bilis niyong magpatakbo!."
Hindi ito sumagot, patuloy lang ito sa pagpapatakbo.
"Senyorita!."
Huminto ito. "Ano ba?!."
"Bagalan niyo lang ho ang pagpapatakbo niyo ng kabayo, baka ho madisgrasya ka."
Pinandilatan siya nito. "Wala kang pakialam!. Huwag mo akong utusan na para bang isa akong alalay sa'yo. Baka nakakalimutan mong ako ang amo at ikaw, trabahador lang kita, sineswelduhan—"
"Oo, trabahador lang ho ako. Isang taong walang pinag-aralan. Walang kinabubuhay kundi ang manilbihan sa mga katulad niyong mapagmataas." Hindi na niya napigilan ang sarili. Kung napipikon ito sa kanya, ay gano'n din siya. "E sa ganito lang ako e. Pinanganak akong mahirap. Nagkakamay sa hapagkainan, natutulog sa barong barong, humihiga sa papag. Hindi katulad niyo na kutsara ay ginto, malambot ang higaan at palasyo ang tirahan. Pasensya na ho a, hindi ko naman kasi alam na kasalanan palang maging mahirap. At hindi pala pwedeng mag-alala sa'yo. Pasensya na ho at isang hamak na trabahador ang kasama niyo." Ayaw niyang maging bastos pero hindi niya kayang masikmura ang ugali ng dalaga kaya naman iniwan niya ito.
Akala niya ay mabait ito gaya ng sinasabi ng mga matatanda, pero mukhang pakitang tao lang ang dalaga. Hindi talaga ito mabait gaya ng sinasabi ng iba.
"SI LIO, ho?." Tanong ni Nathalie kay mang Tonyo, kinabukasan. Gusto niyang humingi ng tawad sa binata dahil sa mga nasabi niya na hindi naman talaga niya sinasadya.
![](https://img.wattpad.com/cover/108737241-288-k520602.jpg)
BINABASA MO ANG
Herrera Series 6: Falling for Ms. Dangerous
Fiksi UmumNathalie Herrera grew up in a country side for as long as she can remember. Kaya naman mas pinili niyang manirahan sa probinsya at pamahalaan ang rancho na pinamana sa kanya ng kanyang lolo kaysa ang manirahan sa lungsod at makipag-sosyalan. She li...