Chapter 22

18.6K 556 31
                                        


Chapter 22

"KAILAN mo balak umalis sa rancho?" Tanong ni Nathalie sa kanya. Abala siya sa pagbabasa ng titulo ng lupa na ibinenta sa kanya ng Don at ni Alexa nang bigla na lang itong pumasok. "Hindi naman sa pinapalayas kita, pero, probinsya ito. Wala rito ang trabaho na iniwan mo sa siyudad. Wala ka bang balak na asikasuhin ang mga iyon?" Tanong nito habang nakakrus ang kamay at nakasandal sa hamba ng pintuan.

"Tatawagan naman ako ng sekretarya ko kung meron e." Tatlong araw na kasi siyang nasa rancho at walang ginagawa kundi ang bumuntot sa dalaga.

"Tapos?" Taas kilay nitong tanong. Naroon na naman ang pagiging mataray nito.

"I-email niya sa akin." Aniya. Kumunot ang kanyang noo. "Pinapaalis mo ba ako?"

"Di'ba ang sabi ko, 'hindi naman sa pinapalayas kita'?. Hindi mo ba ako naintindihan? What I mean is, naroon nga ang trabaho mo. You don't need to stay here. Tapos naman na ang pagtu-tour ko sa'yo sa lupa, kaya makakaalis ka na."

"Edi pinapaalis mo nga ako."

"Hindi nga!" Sigaw sa kanya nito. Inis na ito sa kanya. "Hindi kasi ako maka-focus kung nandito ka. Marami kasi akong aayusin at tatrabahuin dito sa rancho. And having you as our visitor is not really helping at all. You are my first priority. Kaya nga ang iniisip ko, kung hindi ka pa uuwi, baka hindi ko matapos ang trabaho ko."

"Gano'n ba?" Ibinaba niya ang titulo saka siya tumayo. "Then I'll help you."

"What? No! Bisita ka. Hindi ka pwedeng magtrabaho dito." Tanggi ng dalaga.

"Paano mo matatapos ang trabaho mo kung andito ako? E wala pa naman akong balak na umuwi." Aniya. "Kaya nga ito ang naiisip kong paraan. I'll help you so I can stay longer."

"Hindi nga pwede--"

"Señorita..."

Sabay silang napatingin sa kasambahay ni Nathalie.

"Ano 'yon Kamille?"

"Narito po si sir Carl."

Natigilan ang dalaga at siya naman ay sumeryoso ang mukha. "A-Ano?"

"Kadarating lang ho. Nasa lanai siya kasama ang Don."

Napapikit ang dalaga. "Sige, bababa na ako."

"Sige ho, Señorita." Nang makaalis si Kamille ay tumingin sa kanya si Nathalie.

"Bababa na ako."

"I'll come with you."

"Huwag na. Dito ka na lang."

Tumingin siya sa relong pambisig niya. "Look at the time. It's lunch time. I'm hungry."

"Pero..."

Hindi niya pinansin ang dalaga na nilampasan lang niya at naglakad palabas ng silid na inuukupa niya. Bumaba siya sa ikalawang palapag at nagtungo sa lanai kung saan naroon ang Don at si Carl Sandejas.

Masayang nag-uusap ang dalawa at mukhang kuhang kuha na ni Carl ang Lolo ng dalaga. Ibang iba rin ang pakikitungo ng Don kay Carl kumpara sa kanya.

"You can call me Lolo from now on, Carl. I am sure that you and Nathalie will end up together."

Ngumiti lang ito.

"Hindi ko naiku-kwento sa'yo, I am quite a matchmaker."

"How so?" Tanong ni Carl sa Don.

"When I say 'you'll end up together, you will." Nakangiting ani ng Don.

Carl beamed. "Talaga ho?"

Herrera Series 6: Falling for Ms. DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon