Chapter 16

19.7K 682 29
                                        


Chapter 16

NATHALIE woke up with her head feels like cracking. Napamura siya sa sobrang sakit niyon. Maingat niyang iminulat ang kanyang mga mata at nagsalubong ang kilay nang makitang nasa isang hindi pamilyar siyang silid.

Napatango nalang siya sa pag-aakalang nasa tahanan siya ni Carl Sandejas kaya naman hindi siya gaanong nag-alala.

But then...

Her clothes are different. Nakasuot siya ng mahabang puting t-shirt na halos lamunin na siya at itim na boxer.

A boxer?!.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang branded na boxer na kanyang suot. Doon bigla kumulo ang kanyang dugo.

She trusted him! Sinabi niya rito ang tungkol sa mga nangyari sa kanya dati pero hindi ibig sabihin na malaya itong gawin ang gusto sa kanya! Hindi siya natutuwa.

Kumuyom ang kanyang mga kamao at nang-gigigil na tumayo sa malambot na kama. Mabilis siyang naglakad patungo sa isang puting pinto pero nahinto siya nang bumukas ito.

Isang  babae na naka-pencil-cut skirt na hanggang hita ang iksi at long sleeve na puti ang humarap sa kanya. Kulay blonde ang buhok at asul ang mga mata. May makeup na nakalagay sa mukha nito at kasingtangkad niya ito. The woman is damn pretty.

Ang kaninang galit niya ay nawala at napalitan iyon ng pagtatanong. "Who are you?"

"I'm Kelly Douglas." Pormal nitong pakilala sa kanya. "My boss intrusted you to me." Deretso ang tayo nito na para bang sundalo sa luneta na binabantayan ang rebulto ni Jose Rizal.

"Who's your boss?" Tanong niya.

"His someone you know. But I won't tell. He said, not to."

Naging malalim ang pagkunot ng kanyang noo. "Whoever he is, I don't give a damn. I just need to go home."

"Before that, you might wanna drink medicine for headache."

"No, thanks. I don't have headache." She lied. Gusto lang niyang umuwi na sa kanila dahil kung hindi man si Carl ang nagdala sa kanya, malamang ay naiwan niya ito kagabi at tiyak na sermon na naman ang aabutin niya sa ina. Inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid upang hanapin ang kanyang damit, pero hindi niya iyon makita. "Where is my clothes?" She ask.

"I am afraid we put it in the laundry shop, miss."

She heaved a sigh. There is no way she will scold this poor lady. Ayaw niyang gumawa ng eskandalo sa isang hindi pamilyar na lugar at hindi pamilyar na tao. "Ok. Should I go, then?"

"With that?"

"Wala naman akong pagpipilian e. Kinuha mo ang damit ko."

"Pardon?"

Hindi niya sinagot ang babae. Nilampasan niya ito at naglakad siya palabas ng silid na iyon. Doon lang din niya napagtantong nasa isang penthouse siya nang makita ang kabuuhan.

Ngayon lang siya nakapasok sa isang penthouse, kaya naman labis ang naging pagmangha niya.

Kahit pa isa ang pamilya nila sa maituturing na pinakamayaman at may kakayahang bumili ng gano'ng klase ng tahanan pero mas pinili nilang lahat ang mag-low profile upang hindi makakuha ng atensyon sa maraming tsismosang news reporter. Baka kasi isang araw, may makaalam ng hidden sanctuary nila.

Anyway, she has to leave and call Carl. Baka kasi inisip nito na iniwanan niya ito sa bar kagabi.

"Miss. Sir, will be here soon."

Hindi niya pinansin ang babae at nagmadaling lumabas ng penthouse na iyon. Inayos niya ang nakalugay na buhok at kahit pa gano'n ang suot niya ay wala na siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng iba.

Herrera Series 6: Falling for Ms. DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon