Chapter 2MAGKAKASABAY NA naghahapunan sina Lio kasama ang mga katrabaho niya sa rancho. Alas dies na sila nakakain dahil sa dami ng trabaho nila.
Nagpunta pa sila ng gubat upang hanapin ang mga kawatan na nagnanakaw ng alaga nilang hayop sa kagubatan, ngunit wala silang mahanap na kahit na anong bakas. Kaya naman pinauwi na lamang sila.
At habang kumakain ay hindi nila naiwasang magkwentuhan. Lalong lalo na nang maging usapan nila ang kanilang Señorita na si Mang Tonyo mismo ang nag-ungkat.
Isa si mang Tonyo sa matagal ng katiwala ng pamilya Herrera at halos lahat sa pamilya ng mga ito ay alam na nito. Tumuon ang usapan sa magpi-pinsan na siyang magmamana ng buong rancho.
Tahimik lang siyang nakikinig at tuwing sasabihin ni mang Tonyo sa kanila kung gaano kalaki ang salapi ng bawat isa sa mga ito ay hindi niya maiwasang malula.
Isang libo nga lang ay takot siyang hawakan dahil baka madukutan siya, milyon milyon pa kaya?.
Hindi man siya nakapag-aral ng highschool ay matalino naman siya pagdating sa pagbibilang. Siya kasi ang kasa-kasama ng tatay niya sa tuwing tutungo sa bayan upang magbenta ng palay. Doon siya natuto ng math.
Hindi na sana siya makikinig pa ngunit hindi niya naiwasan nang magtanong si Danilo na kababata niya kung may kasintahan daw ba ang kanilang Señorita.
At dahil makwento ang matanda ay naikwento nga nito sa kanila na mayroon itong kasintahan, ngunit binawian nang buhay sa isang bangin. Hindi nito sinabi kung bakit ito namatay ngunit malaki daw ang naging epekto nito sa kanilang Señorita. Iyon daw ang una at huli nitong kasintahan.
"Hindi na ho ba siya naghanap ng iba pa?." Muli ay tanong ni Danilo.
"Hindi na." Si Aling Petra ang sumagot. "Na-trauma na siya. Siya kasi ang sinisi ng magulang ni sir Carlos. Si Señorita kasi, mahilig siya sa mga extreme sports. At itong si sir Carlos ay isa namang doktor." Pagku-kwento nito. "Nagkataon nang mag-aya si Señorita na mag-cliff diving ay bumabagyo. Naku, taon taon tuwing dumarating ang araw ng pagkamatay ni sir Carlos ay nagpipinitensya si Señorita. Nakakaawa nga e. Kaya nagbago ang ugali. Siya kaya ang pinakamabait sa magpi-pinsan, kaya lang naging ganyan naman na siya dahil doon."
"Ano hong ganyan?." Tanong naman ni Aris, isa rin sa mga katrabaho niya.
"Tinatawag siyang 'dangerous' mapanganib ba. Kasi kapag galit iyan, nagtatago kami kasi nagwawala. Kapag sinabi niya ay talagang gagawin niya."
"Kaya kayo, huwag na huwag kayong pupunta sa bahay niya." Bilin ni mang Tonyo sa kanila. "Tanging si Berta lang ang pwede doon. At sa mansyon naman ni don Serio, tanging si Petra lang ang pwede at iba pang mga kasambahay. Kung saan kayo ini-assign ng Señorita ay doon lang kayo."
Sabay sabay silang tumango. Ang tagal na nilang naninilbihan sa rancho pero hindi parin nila alam ang bawat pasikot sikot. May mga ruta kasi na hindi pwedeng puntahan dahil bawal. At ang isa na doon ang bahay ng Señorita.
Pagkatapos kumain ay sabay sabay silang nagpaalam sa matatanda na tutungo na sa baracks upang magpahinga.
Nasa maputik na daan sila nang madaanan naman nila ang malaking mansyon. Panay ang pagmamayabang ni Rudy sa kanila na magkakaroon din daw ito ng gano'ng kalaking bahay balang araw at magiging don din. Basta huwag mawawalan ng pag-asa at maabot lang daw ang pangarap na 'yon.
Sa kaso naman niya, hindi na niya kailangan ng gano'ng klaseng tahanan kung hindi naman niya kasama ang pamilya niya. Anong silbi nga naman ng gano'n kalaking mansyon kung panay tanso at ginto ang laman. Mas nanaisin pa niya ang pinagtagpi-tagping tahanan.

BINABASA MO ANG
Herrera Series 6: Falling for Ms. Dangerous
Ficción GeneralNathalie Herrera grew up in a country side for as long as she can remember. Kaya naman mas pinili niyang manirahan sa probinsya at pamahalaan ang rancho na pinamana sa kanya ng kanyang lolo kaysa ang manirahan sa lungsod at makipag-sosyalan. She li...