Chapter 20

20.1K 614 18
                                        


Chapter 20

HINDI alam ni Nathalie ang kanyang gagawin nang makita si Carl sa harap ng pinto ng kanyang bahay. Kita niya ang pagkalito sa mukha nito nang makita si Lio na nasa likuran lang niya. Napapalunok at kinakabahan siya sa bawat paglipat ng tingin nito sa kanya at kay Lio. Parang hindi niya nakilala ang Carl na kilala niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng kaba sa tanan ng buhay niya. Animo'y may pagtataksil siyang ginawa kay Carl sa mga sitwasyong iyon.

"Bakit kayo magkasama?" Carl ask.

"Ahm." Hindi niya matingnan ng deretso si Carl. "He ahm---"

"Don Serio and I are having a meeting here. He will discuss an important matters to me."

"What is it?"

"You don't have to know."

Mas lumakas ang kabog ng kanyang dibdib sa biglaang tensyon sa dalawa. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin at bawat isa ay matatalim ang tingin na pinukol sa isa't isa. Nagtatagis na ang mga panga at anumang oras ay baka magsuntukan na.

"Here I might wanna know." Ani Carl na bahagyang lumapit sa kanila. "Why are you with Nathalie?"

"Are you his boyfriend?" Balik tanong naman ni Lio. Napakasarkastiko nito. Humakbang pa ito palapit kay Carl. Animo'y nanghahamon. "Itanong mo sa akin ang bagay na iyan kung may 'kayo'." Carl eyes widen in shocked. "Pero kung wala namang 'kayo', pwede bang tumabi ka, hindi lang ikaw ang may karapatang manligaw sa kanya."

"Y-You can speak tagalog?" Hindi makapaniwalang tanong ni Carl. "B-But, I check on your.."

Ngumisi si Lio. "You think you know me, huh?"

Nakita niya ang inis sa mukha ni Carl at bago pa man ito makalapit kay Lio upang suntukin ay pumagitna na siya. Naipit siya sa dalawang naglalakihan at nagtataasang katawan. Mas dama niya ang tensyon at nagpipigil na galit ng dalawa.

Hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Punong puno ng kaba at takot ang kanyang dibdib at natatakot kung sakaling mas lumalim pa ang tensyon sa dalawa.

"Umalis ka na kung ayaw mong basagin ko ang mala-prinsipe mong mukha." Pagbabanta ni Carl. "You think I am afraid of you and your filthy wealth?"

"Well, you should be. I heard your company is lowing it's stocks and shares."

"Hindi lang naman ang kompanya niyo ang malalapitan ng kompanya namin."

"A, kaya pala nilalapitan mo si Nathalie. Because of you end up together and you get on their good side, mas mapapadali ang pag-angat ng kompanya niyo? Nice plan isn't it?"

"Why you?!" Galit na ani Carl at hahamba na sana ng suntok.

"Tumigil na kayo!" Sabay niyang tinulak ang dalawa at matatalim ang tingin na pinukol sa mga ito. "Ano kayo, mga bata?" Bumaling siya kay Carl. "Get out of my house now, Carl. Wala na akong planong ituloy ang kung anumang pagpapantasya diyan sa isip mo!" Sinunod niya si Lio. "And you too. Both of you, stay away from me! I shouldn't have let you in."

Hindi nakapagsalita ang dalawa na parehong hindi makapaniwala. Kita niya ang sakit sa mga mata ni Lio. Gusto man niyang bawiin ang kanyang sinabi ay kailangan niyang mas maging matapang. She has to be cold to save herself from getting hurt again. Both of them are not good for her. No one is good for her.

"Get out." Aniya saka iniwan ang dalawa at pumasok sa loob ng kanyang bahay.

"ANO ba talaga ang pakay mo kay Nathalie?" Tanong sa kanya ni Carl Sandejas nang mawala na ang dalaga.

Humarap siya sa lalaki at taas noong tinitigan ito. Mas matangkad at mas may katawan siya kompara ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang siya naging kampante sa kakompetensya niya.

Herrera Series 6: Falling for Ms. DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon