Chapter 10

22.8K 742 31
                                        


Chapter 10

SALUBONG ANG kilay ng binata habang nakatingin ito sa mga pagkaing nasa harap nito. Maging sa mga kubyertos na nasa harap nito ay kinukunutan rin ng noo nito. Alam niyang hirap itong kilalanin ang bawat kutsarang naroon. Hindi ito makakain dahil hindi nito alam kung ano ang gagawin sa steak na nasa plato nito.

They—no, she decided to eat at the restaurant outside makati. Meron kasing ni-recommend sa kanya ang pinsan niyang si Saiden na isang restaurant na masarap daw ang pagkain.

"Iyong nasa pinakauna ay siyang gagamitin mo pang kain. Iyong pumapangalawa ay para naman sa soup at 'yong pinakamaliit ay para naman sa dessert. 'Yong kutsilyo naman na katabi ng tinidor ay para sa steak." Tumayo siya at umikot patungo sa likuran ng binata saka niya kinuha ang tinidor at ipinahawak niya sa kaliwang kamay ng binata. "Gamitin mo 'to para ipantusok sa karne." Kinuha naman niya ang steak knife at ipinahawak ito sa kanan naman ng binata. "Ginagamit naman ito para hiwain mo sa maliliit na piraso ang karne." Hawak niya ang dalawang kamay ng binata at iginagaya ito sa tamang pag-gamit. "Just like that."

"S-Salamat. A-Ako nalang s-siguro."

She chuckled. "Oh, bakit nauutal ka?"

"Ahm. . 'yong dibdib m-mo, nasa likuran ko."

Napakurap siya saka tumingin sa katawan nila na ngayon lang niya napagtantong magkalapat. "Oh? Sorry." Mabilis siyang lumayo sa binata.

She was wearing a black off-shoulder dress na kita ang cleavage niya. She just tied her hair up and put just a foundation and lipstick. A locket that her grandfather gave to her as a present. Nagmukha siyang babae sa suot niya.

And ofcourse, Lio. . kinailangan pa niyang piliting ipasuot sa binata ang Gucci na siya mismo ang pumili para sa binata. Muntikan na nga niyang itali ito para maayos niya ang buhok ng binata. And thank god! She fixed it.

Nagmukha ring tao ang binata. Hindi mapaghahalataang taga-bundok ito.

Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung magsitinginan sa kanila ang mga taong nasa loob ng restaurant. Lalong lalo na ang malagkit na tingin ng ibang kababaihan kay Lio. She felt like she hit the jackpot knowing that she's with someone who wants by everyone.

Bumalik siya sa kanyang upuan at akmang kukunin narin ang steak knife nang mapansin ang matiim na tingin ni Lio sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Wala ka bang mas matinong damit kaysa diyan sa suot mo?"

Nagbaba siya ng tingin sa kanyang suot saka muling nag-angat kay Lio. "Anong problema sa suot ko? Hindi naman basahan a?"

Nagsalubong ang kilay ng binata. "Hindi ko sinabing basahan, pero kulang ang tela. Nakikita ang dibdib mo at hindi ako komportable dahil pinagtitinginan ka ng ibang kalalakihan dito. Ang tanga naman ng nakaisip ng damit na iyan!" Angil nito na ikinatawa niya. "Hindi ba niya alam na babae ang magsusuot niyan at may dibdib!"

Hinayaan nalang niya ang binata dahil natutuwa siyang kahit papaano ay may lalaki pa palang may respeto sa babae.

Hindi nga rin niya alam kung bakit iyon ang isinuot niya. Basta ang alam niya ay gusto lang niyang mapansin siya ng binata, gusto niya ay ma-attract ito sa kanya. She just want to impressed him. Pero mali ata siya dahil iba ang pinakahulugan nito sa suot niya.

"Let's just enjoy the night." Aniya saka kinuha ang wine glass. "Kunin mo 'yong sa'yo."

"Ito?" Turo niya sa wine glass. Kinuha nito 'yon at inangat tulad ng ginawa niya.

"Cheers."

"Ch—ano?"

She laughed. "Wala."

Herrera Series 6: Falling for Ms. DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon