Chapter 19"WHAT happen to you?" Kunot noong tanong ni Eros sa kanya nang makita ang hitsura niya. Dala nito ang gamit na medicine kit at nakaputing robe pa. Malamang ay galing pa ito sa ospital at pumunta rito. "You look like a mess."
She didn't bathe for two days and didn't get any good sleep. Gano'n ang ginagawa niya sa tuwing nalilito siya. Hindi siya makapag-focus at kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. Mabuti nalang at hindi siya bumabaho.
She chuckled. "For awfully two days. Yeah" Parang lantang gulay siyang humilata sa kanyang malambot na kama. "Good thing I have no husband. Baka mapaaga ang pangangabit niya kung sakaling makita ako sa ganitong sitwasyon."
"So, you're not planning to have a relationship with that Carl?"
"No. After what happen, I don't think I can face him or to let him date me anymore."
"Ano ba ang nangyari?"
Bumaling siya sa pinsan na nasa tabi na ng kama niya at kinukuha na ang mga gamit nito sa loob ng itim na bag. "I had sex with someone."
Natigilan si Eros sa paghahalungkat at tumingin sa kanya. Mas lalo pang nangunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Gayunpaman, wala siyang makitang panghuhusga sa mga mata nito.
"You know me, if I had that to a man, I am not gonna do it to a different man. I don't cheat."
"Who's he?"
Nagkibit balikat lang siya. "So, you're here to.... what?" Pag-iiba niya. "Ngayon ba ang check up ko? Sera is my doctor, not you."
"Sera is busy, so she ask me to come here and check on you." Ibinalik ni Eros ang atensyon sa blacksuitcase nitong hawak at kinuha ang kung anuman na ayaw na niyang pangalan. When it comes to hospital, she hates it. "So, who's the guy?"
Mahina siyang natawa. Akala niya ay naisahan na niya ang pinsan. "You don't have to know."
"Nath, kilala kita. You said, you're gonna give your virginity to a man who deserve it. Sabi mo, 'yong taong makakasama mo habambuhay."
Natawa siya ng malakas. "There is no such thing as forever. Mga batang mangmang nalang ang nag-iisip no'n. Wala ng lalaking seryoso; no offense but that's a fact. You see, men are like predator in the wild, they like to prey innocents, and if they get a taste to them and done with them, they're on again for another prey. Paulit ulit 'yan, dahil nature nila ang maging predator."
"Huwag mong itulad ang iba sa iyong ama."
"Eros, don't me, Ok. Diba meron karing babae?"
Kita niya ang pagtagis ng panga nito at ang pagtalim ng mga mata sa kanya. "Wala akong babae."
"The island girl."
"She is not my woman! Nag-iisa lang si Rhiane sa puso ko. And beside, that woman doesn't know I have Rhianne so technically she is not a mistress."
"Pinagtatanggol mo ang kabit mo?"
"No! I am just saying!" Asik nito sa kanya. "Pwede ba, huwag na nating pag-usapan iyan." Lumapit ito sa kanya at sinimulan ng suriin ang blood pressure niya.
Napuno ng katahimikan ang kanilang paligid dahilan para ikabagot niya kaya naman bumaling siya sa pinsan habang abala sa ginagawa nito. "Noong nawala ka, Rhiane feels miserable." Natigilan ito. "Ininda niya lahat ng sakit sa pag-aakalang patay kana. But you didn't give her any explanation after that. With all the pain she suffer. Why is that?"
"Because Rhiane understand. Alam niyo naman kung ano ang nangyari sa akin. I lost my memories."
"I have a friend." 'Myself' "May lalaki siyang gusto, they actually have that kind of spark. And she feel like falling for that man. But then... nawala 'yong lalaki, parang bula. The girl went on searching but the man left no trace at all. Naging miserable rin 'yong babae. Gabi gabi, araw araw. Kulang nalang patayin na niya ang sarili niya sa lungkot at sakit." Sa pagku-kwento niya, hindi niya alam na meron na palang luha na kumawala sa kanyang mga mata. Ramdam na rin niya ang paninikit ng dibdib dahil sa sakit sa pagbabalik tanaw niya sa nakaraan ng masalimuot niyang nakaraan. "At kung kailan handa na siyang mag-move on at naayos na niya ang buhay niya, babalik ulit ang lalaki. Iyong sakit na pinatay na niya sa puso niya, bumalik ulit. Iyong mga tanong at pagkalito, bumalik ulit sa kanya. What do you think she'll do?"
![](https://img.wattpad.com/cover/108737241-288-k520602.jpg)
BINABASA MO ANG
Herrera Series 6: Falling for Ms. Dangerous
Tiểu Thuyết ChungNathalie Herrera grew up in a country side for as long as she can remember. Kaya naman mas pinili niyang manirahan sa probinsya at pamahalaan ang rancho na pinamana sa kanya ng kanyang lolo kaysa ang manirahan sa lungsod at makipag-sosyalan. She li...