Chapter 11
PIKIT MATANG ninanamnam ni Nathalie ang bawat pagdampi ng labi ng binata sa binti niya pataas sa hita niya. Bawat lapat ng labi nito ay napupugto ang hininga niya. Napapatingala siya at humihigpit ang hawak niya sa kumot at napapadaing sa kakaibang pakiramdam na naidudulot no'n sa kanya.
This is the first time she felt that kind of feeling. 'Yong pakiramdam na sinasamba ang buong katawan niya at kiliti ang idinadala sa kanya.
Nagparaya siya nang simulan siyang buhatin ni Lio at ipasok sa hindi niya alam kung kaninong silid. Hindi rin niya ito pinigilan nang hubarin nito ang suot niyang damit kaya naman ramdam niya ang lamig ng buong silid. She is now on her bra and panty.
She was lost in still in daze. Couldn't process what really just happen. Why she let him. Pero nang sabihin nito ang mga katagang 'yon na nasa panaginip niya ay nagparaya na siya. Nagtiwala siya sa binata at kapalit no'n ang pagpaparaya.
Just that one kiss and everything just popped out. Napalitan ng kakaibang emosyon ang lahat ng emosyong meron siya; galit, sama ng loob, takot, konsensya at pangungulila. Lahat ng iyon ay dahil sa binata. Gustong gusto niya ang ginagawa sa kanya ng binata. Nakakabaliw. Masarap sa pakiramdam.
Napasinghap siya nang maramdaman ang maiinit na palad ng binata sa garter ng suot niyang panty pero hindi naman nito iyon hinubad pababa. Bagkus ay nilaro lang nito. Hindi na natuon ang atensyon niya doon dahil ang sumunod naman niyang naramdaman ay ang pagbuka ng marahas at mainit na hininga ni Lio sa nakatago paring kaselanan niya. Dahil doon ay nagtayuan ang balahibo niya.
"Ang bango mo, Nathalie." He said huskily.
Darn it! Why does her name sound so good when he said it. Siya lang ang tumatawag sa kanya ng gano'n. Everyone calls her 'Nath'. She felt like her whole name are made just for him to call.
"Ayos lang ba?"
Iminulat niya ang kanyang mga mata at ibinaba iyon sa binata. "Na ano?"
"Na gawin natin 'to, kahit wala naman tayong relasyon?"
Ayos nga lang ba?
"Yes." Buong puso niyang sagot. "Tinanong mo ako kung nagtitiwala ba ako sa'yo diba? Hindi ako papayag na gawin mo 'to sa akin kung wala akong tiwala. Hindi ko mararamdaman ang ganitong pakiramdam kung hindi ako nagparaya ng buong buo. So yeah, it's okay for me if we did this."
"Paano pagkatapos?"
Paano nga ba? Hindi iyon sumagi sa isip niya.
Nagkibit balikat siya. "Ewan ko. Hindi ko alam."
"Kung gano'n ay huwag nalang nating ituloy." Bumangon ito mula sa pagkakadapa kaya naman mabilis siyang bumangon saka niya ito hinila mula sa laso na suot nito at inilapit sa kanya dahilan para mapaabante ito sa kanya.
"Nasimulan mo na, nakita mo na ang tinatago kong katawan, naamoy mo na ako, tapos uurong ka?" Pakiramdam niya ay para siyang tinanggihan.
"Mali ang gagawin natin."
"Sana naisip mo 'yan bago mo ako hubaran. Bago mo ako halikan."
Hindi ito kumibo. Nakatingin lang ito sa kanya.
"Ano bang gusto mong mangyari sa atin pagkatapos?" Tanong niya.
"Nathalie, kung kasintahan kita, sige papayag ako na gawin natin 'to. Pero amo kita at tauhan mo lang ako. Mayaman ka, mahirap ako. Kahit kailan hindi ako papantay sa'yo. Kung may mangyari, hindi kita mapaninindigan."
"Hindi mo ako kailangang pantayan. Hindi ko 'yon kailangan. What I need is you, this thing I am feeling right now, I want it. Gustong gusto ko kung ano ang pinaparamdam mo sa akin ngayon. Kung anuman ang kahinatnan nito ay walang magbabago. Kapag tayo lang dalawa, kalimutan natin ang label natin sa isa't isa. Ako lang si Nathalie para sa'yo, hindi mo amo. Ikaw si Lio sa akin, hindi ko tauhan."
BINABASA MO ANG
Herrera Series 6: Falling for Ms. Dangerous
General FictionNathalie Herrera grew up in a country side for as long as she can remember. Kaya naman mas pinili niyang manirahan sa probinsya at pamahalaan ang rancho na pinamana sa kanya ng kanyang lolo kaysa ang manirahan sa lungsod at makipag-sosyalan. She li...
