Chapter 7

24.2K 796 124
                                        


Chapter 7

"HOW IS SHE?." Tanong ng isang babae na kararating lang. Kumabog ng malakas ang puso niya sa takot na baka isipin nitong may masama siyang balak. Pero nagkamali siya, hindi niya nakitaan ng kahit na anong paghihinala sa mukha ng babae.

Pamilyar sa kanya ang babae. Ito 'yong babaeng pinsan ni Nathalie na nakita niya sa isang pagdiriwang noon sa pamilya ng dalaga. Ito 'yong babae na hindi manlang ngumingiti. Tahimik lang habang kumakain kasama ng dalawang bata.

At katulad ng kadalasang ekspresyon ng dalaga ay gano'n rin ito. Napakalamig ng tingin nito sa kanya. Maganda ito, pero hindi niya magawang hangaan ang kagandahan dahil hindi nito magawang ngumiti manlang.

"Ahm. ."

"Kilala kita."

Hindi siya kumibo. Nanatili lang siyang nakatingin sa malamig nitong tingin at hindi manlang kumukurap.

"Ikaw 'yong kasama ni Nathalie noon. Ikaw 'yong hindi marunong gumamit ng kubyertos."

Napapahiyang tumango siya. "A-Ako nga 'yon."

"Saang pamilya ka nabibilang?."

"Isang hamak na trabahador lang ho ako." Sagot niya. Hinintay niyang kutyahin at tapakan niya ang pagkatao nito, pero wala siyang narinig mula rito. Bagkus ang tumango lang ito.

"Nasaan si Nathalie?."

"Sa taas ho."

"Hindi mo ba alam na maliban kay aling Berta ay wala ng pinahihintulutang pumanhik sa itaas si Nathalie." May tinuro ito dahilan para balingan niya at gano'n nalang ang pagkagulat niya nang makitang mga baril iyon na iba't iba ang klase. "Dahil papasabugin niya ang bungo mo, kapag nalaman niyang umakyat ka doon."

"P-Pasensya na ho—"

"Drop the 'ho', will you?." Anito na hindi parin nagbabago ang ekspresyon kahit na nakakunot na ang noo. "Hindi pa naman ako matanda. Mukhang magkaedad lang naman tayo at kahit na mas matanda man ako, hindi parin naman dapat na gumalang ka sa akin."

"Pasensya na. Hindi kasi ako sanay na hindi gumalang."

"Well, you've been tought well. But I don't like it."

"Pasensya na, hindi ako nakakaintindi ng ingles."

Hindi na ito nagsalita pa. Naglakad na ito paakyat at nilampasan lang siya. Sinundan niya ng tingin ang babae hanggang sa hindi na niya ito makita.

Sakto naman ang pagdating ni aling Berta. "Nandiyan na ba si Señorita Sera?."

"Oho, kararating lang."

Animo'y nabunutan ng tinik ang ginang sa ginawa nitong pagbuntong hininga. "Salamat naman kung gano'n. Halika, igagaya kita sa iyong tutulugan."

Nangunot ang noo niya sa uri ng pakikipag-usap nito sa kanya. Pero hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin at sumama nalang sa matanda hanggang sa makarating sila sa isang silid na sa tingin niya ay hindi nakalaan para sa isang kagaya niya.

Maganda ang silid. Kagaya ito ng silid ng dalaga sa itaas, pero hindi matingkayad ang kulay ng bawat telang naroroon. Lahat ay madilim ang kulay at hindi nagawang paliwanagin ng ilaw sa gilid ng kama.

Ang ilaw sa kisame ay naging dahilan ng kaunting liwanag sa silid at dahilan para makita niya ng buo ang kabuuhan nito. Tulad ng sa mansyon, ay mga antique ang bawat bagay na makikita niya. Ang mga libro at banga na ceramic ay halatang ilang siglo na ang dinaanan. May dalawang malalaking larawan ng isang magandang babae na mukhang dayuhan at halatang nang-galing sa kasaysayan.

Herrera Series 6: Falling for Ms. DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon