Chapter 17
"YOU look gorgeous." Puri sa kanya ni Carl sabay abot nito sa kamay nila. Marahan siya nitong hinila palabas ng sasakyan.
Susunduin sana siya nito pero dahil sa kailangan niya pang makipagkita kay Zeus na nasa pilipinas ngayon ay pinauna na niya ito.
Nathalie can see adoration through his eyes. Napangiti siya dahil do'n. "Thanks. And you're not bad yourself." Balik puri niya sa binata.
Carl is wearing a black Louis Viutton suit partnered with black slack and black shoes. He looked
like one of the men from from man in black. His hair are perfectly combed. And she must admit, he is handsome. No woman in the party would never appreciate how handsome he is. Including her.
"Nice dress." Anito habang nakatingin sa kanya dahilan para mailang siya. "Mabuti nalang at hindi masyadong revealing ang sinuot mo."
She chuckled. "Why?"
Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Kasi ayokong mapunta sa'yo ang atensyon ng lahat. Ayoko ng may kahati sa'yo."
Bigla ay pinang-initan siya ng pisngi dahil sa tinuran nito.
She doesn't like wearing revealing clothes too. Ayaw kasi niya talaga ang napapansin siya o di kaya'y napipituhan, pakiramdam niya ay ginagahasa siya kahit hindi naman.
Pasimple siyang lumayo kay Carl para hindi siya masyadong mailang. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. At kahit pala hindi gano'n ka-revealing ang kanyang suot kumpara sa iba ay mapapansin parin siya.
Everyone's eyes were glued at her.
Why? She's just wearing a simple ocean blue dress. Long sleeve naman at mahaba. She didn't wore a high heels because her sprained ankle is acting weird again. Hindi rin naman siya nakasuot ng mamahaling alahas at tanging ang bigay lang ng kanyang Lola ang suot niya. Her makeup is not heavy either. Her hair were just simply curled down.
So, what's with her?
"Hey, you're Nathalie Gabriela Alonzo, right?" Tanong ng babaeng lumapit sa kanya. Kaedad lang ito ng kanyang ina at mukhang mayaman dahil sa nagkikinangang alahas sa katawan.
Bigla ay nainis siya. "It's Herrera. I am not using that surname anymore."
"Oh, I am sorry. Ikaw kasi ang madalas na pinag-uusapan namin ng iyong ama." Anito.
"Ok." Iyon lang ang sinabi niya. Ayaw kasi niyang pag-usapan ang mga bagay na makakapag-paalala sa kanya sa kanyang ama.
It's been two years since she last saw him inside the court room when she fights for her rights sa yaman nito. Pero hindi naman siya nawalan ng balita sa kanyang magaling na ama. Nalaman kasi niya na may bago na naman itong binabahay.
Hindi naman na iyon bago sa kanya kaya hindi na siya nagugulat pa. Sana nga lang ay hindi ito karmahin sa ginagawa.
"Actually, your father is here. With his wife." Nakita niya ang pangungutya sa mga mata nito.
"Kabit." Pagtatama niya sa ginang dahilan para makaramdam ito ng hiya. "He is not yet divorce with my Mom. So technically, 'yong kasama niya ngayon, kabit niya."
"Nath." Awat sa kanya ni Carl. Hindi niya pinansin ang binata dahil sa inis na naramdaman niya. "Don't make a scene."
"Next time sa mahjongan mo ilagay ang kakatihan ng dila mo ha, hindi sa mga delikadesang lugar. Dahil sa susunod na bubuka iyang bibig mo, sinisiguro ko sa'yong ngipin mo na ang lalabas diyan."
Kita niya ang takot sa mukha ng ginang. Wala siyang pakialam kung mas matanda ito sa kanya.
Mabilis siyang hinila ni Carl at humingi pa ito ng pasensya sa ginang bago sila tuluyang umalis. Nang makapasok sa malawak na ball room kung saan gaganapin ang isang business party, ay dinala siya ni Carl sa pwesto kung saan may tubig. Inabutan siya nito at inis niya iyong tinanggap.
BINABASA MO ANG
Herrera Series 6: Falling for Ms. Dangerous
Ficción GeneralNathalie Herrera grew up in a country side for as long as she can remember. Kaya naman mas pinili niyang manirahan sa probinsya at pamahalaan ang rancho na pinamana sa kanya ng kanyang lolo kaysa ang manirahan sa lungsod at makipag-sosyalan. She li...
