Chapter 29

22.5K 630 34
                                        


Chapter 29

PUNO ng pag-aalala si Lio habang nakatingin parin sa walang malay na si Nathalie. Nasa ospital sila at hinihintay ang resulta ng test sa dalaga.

Kahit na kalmado sa kinauupuan habang hawak ang kamay ng dalaga, hindi parin mapakali ang loob niya. Hindi niya alam ang gagawin kapag may nangyaring masama sa dalaga.

"Everything will be alright, Edmond." Pukaw sa kanya ni Eriz habang pinipisil ang balikat niya. "Nathalie is a strong woman. She can get through whatever this is."

"I don't know what's going on to her. She just fainted and.."

"Maybe because she's tired." Sabat naman ni Glenda. "You say she's running a ranch all by herself. It must be very tiring things to do."

Tumango siya. "She did. But I never saw her getting tired like this."

"She really need to slow down once in a while. Running a ranch is not a joke." Ani naman ni Tilullah. "But she really needs to take care of herself. That is more important. But don't worry to much. She will be fine."

Alam niyang pinagapagaan lang ng mga kapatid niya ang kanyang loob, pero hindi talaga niya maiwasan. Hangga't hindi niya nakikita ang resulta ng test nito, hindi siya mapapanatag.

Hindi naman nagtagal nang pumasok ang doktor na siyang sumuri sa dalaga. Kilala niya ito dahil ito ang doktor ng kapatid niyang si Eriz.

Kaagad siyang tumayo at lumapit sa doktor. "How's the test? Is something wrong with her? Is she ok?"

Ngumiti ang doktor. Ang mga mata nito na nakatago sa likod ng makapal na salamin ay nagbigay sa kanya ng sagot na wala siyang dapat ikabahala. "She is fine. Nothing is broken, except that she tire herself to much and I suggest that she will be needing a bed rest for maybe four months."

"Why?" Naguguluhang tanong niya. Ang sabi kasi nito ay maayos lang ang dalaga, pero bakit kailangan nitong magpahinga ng apat na buwan?

"Why does she have to bed rest for that long?"

"Well, Mr. Hansford, you see. She is pregnant." Imporma nito.

Parang natanggalan ng turnilyo ang kanyang panga dahil sa laki ng kanyang pagkakanganga. Paulit ulit na umugong sa tenga niya ang sinabi ng doktor.

Hindi siya makapaniwala at animo'y hinihintay niya ang pagbawi ng doktor sa sinabi.

"It's been three weeks. Though the baby is holding tight, we have to be sure that it will be ok."

"I knew it." Eriz whispered. "That's what happen to me when I am pregnant with my youngest. Of course with all my kids."

"Edmond." Tawag sa kanya ni Glenda nang hindi parin siya nakapagsalita at pilit na inirerehistro ang mga sinabi ng doktor. "Are you alright?"

"Y-Yes. Of course, I am."

"You are going to be a father." Nai-excite nitong sambit. "Oh God! I can't believe that our young brother is going to be a father!"

"Congratulation!" Eriz come towards him and hugged him tightly.

Doon lang niya naramdaman ang galak sa puso. Para siyang nililipad sa sobrang saya.

Kung kanina ay natutulala at gulat siya, ngayon ay napalitan na ng galak sa puso.

Nang bumitaw si Eriz sa yakap, kaagad niyang nilapitan Ang wala paring malay na si Nathalie at hinalikan niya ito sa noo.

Mas may saysay na ang lahat sa kanya. Hindi na mahalaga para sa kanya ang kahit na anuman maliban kay Nathalie at sa magiging anak nila.

"Thank you." Bulong Nita habang nakatitig sa maganda nitong mukha.

Herrera Series 6: Falling for Ms. DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon