Chapter 9
HINDI ALAM ni Lio kung susunod pa ba siya o hindi na. Naguguluhan na siya dahil hindi niya alam kung para saan ang mga pinapagawa sa kanya ni Nathalie.
Nakatingin siya sa kanyang sarili sa salamin at halos hindi na niya mamukhaan ang sarili dahil ibang iba na ang ayos niya. Hindi niya makita ang sarili niya sa salamin, kundi ang isang tao na mukhang may mararating sa buhay. Isang tao na may muwang at matalino. Isang tao na hindi kayang tapakan ng kahit sino.
Hindi siya iyon.
Una ay nagtungo sila sa pagupitan at kung anu ano ang pinag-gagagawa sa buhok niya. Pagkatapos ay sa mga damitan at sapatos sila nagtungo. Kung saan saan sila nagtungo. Hinayaan niya ang mga nandoon na pumili ng damit para sa kanya. At kahit na ayaw niya ang mga istilong 'yon ay wala siyang nagawa kundi ang tumango nalang.
'Let them do the work'
'Have trust in them'
'Don't worry'
'Just don't ask'
Lingwaheng hindi naman niya maintindihan na kadalasang binabanggit ni Josh sa kanya.
"Do you trust me." Usal niya sa ingles na natutunan niya kay Limuel. "Do you trust me?" Pag-uulit niya habang nakatingin sa salamin. "Do you trust me. . do you—"
"Are you done fitting, sir?" Tanong sa kanya ni Josh.
"Tapos ka na ba, Lio?" Tanong naman sa kanya ni Limuel. "Maari ka ng lumabas kung tapos kana.
Bumuntong hininga siya at bagsak balikat na lumabas sa isang makipot na silid na may isang salamin. Humarap siya kay Limuel. "Ayos lang ba ang suot ko? Mukha naman akong ibuburol sa suot kong barong."
Mahinang natawa si Limuel. "Hindi naman iyan barong. Suit iyan. 'Yang 'yong mga sinusuot ng mga lalaking pupunta sa mga okasyon o kaya 'yong mga tinatawag nilang boss." Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "Kung hindi ko lang talaga alam, mapagkakamalan kitang may-ari ng isang kompanya."
Umingos siya. "Hindi ako mayaman. Atsaka, wala naman akong party na pupuntahan, bakit ko kailangang bilhin 'to?"
"Kakailanganin mo 'yan sa tuwing sasamahan mo ang Señorita sa lahat ng okasyong pupuntahan niya." Tumingin ito sa isang malaking teknolohiya na hindi niya alam kung ano ang tawag saka may tinipa. "Narito lahat ng mga gagawin mo bukas at sa makalawa. Ikaw ay dadalo sa isang private lesson on how to be proper. Pagkatapos ay sasanayin ka namin sa ingles, mga basic lang naman—"
"Do you trust me?"
Nagtatanong na tumitig sa kanya si Limuel.
"Mga gano'ng inglesan ba?"
Sandali itong natigilan at kumurap bago tumango at nagsalita. "Oo, pero mga simpleng ingles. Si Señorita na ang bahala sa iba."
Tumango siya saka humarap sa isang malaking salamin at muling pinakatitigan ang sarili.
"Miss Nathalie will be the luckiest woman if he brings you that party." Ani Josh na nakatingin rin sa repleksyon niya sa salamin. Bagama't hindi niya iyon naiintindihan ay alam niyang tungkol iyon sa dalaga. "You're not bad for a escort."
"Indeed." Tatango-tangong sambit naman ni Limuel.
Pagkatapos no'n ay nagtungo pa sila sa kung saan saan at tulad kanina ay naging sunod sunuran na naman siya. Iba na naman ang suot niya. Isang puting polo na t-shirt at isang maong na short na niyakap ang buong hita niya. May puting sapatos rin siya at ayon kay Limuel ay tinatawag 'yong 'converse'. Iyon na ang pinasuot sa kanya at itinapon na ang damit niya.
BINABASA MO ANG
Herrera Series 6: Falling for Ms. Dangerous
Aktuelle LiteraturNathalie Herrera grew up in a country side for as long as she can remember. Kaya naman mas pinili niyang manirahan sa probinsya at pamahalaan ang rancho na pinamana sa kanya ng kanyang lolo kaysa ang manirahan sa lungsod at makipag-sosyalan. She li...
