Chapter 30
"BANTAYAN mo si Nathalie, baka madulas!" Paalala sa kanya ng kanyang ina na kanina pa pinapanood Ang dalaga habang nakatayo ito sa mabatong dalampasigan at palakad lakad. "Nak, baka siya ay mapano." Bakas sa tono nito ang pag-aalala.
"Nay, ayos lang si Nathalie. Huwag kayo masyadong mag-alala." Aniya at napasulyap rin sa dalaga.
"Hindi mo naiintindihan kasi hindi ka naman buntis." Ani ng ina. Naglalapag na ito ng mga plato sa mahabang mesa. "Kailangang mag-ingat ang mga buntis lalo na sa unang buwan palang ng kanilang pagbubuntis."
"Masyado kayong mapamahiin, Nay. Mag-relax ka lang, ok? Hindi siya mapapano. Trust me."
Ilang ulit na nga ba niyang sinabi iyon sa kanyang ina. Pero hindi parin maalis rito ang pag-aalala.
They'd been living with his family for two weeks now. At sa dalawang linggong iyon, walang ibang ginawa ang Nanay niya kundi ang punahin ang galaw ni Nathalie.
Not in a bad way though, but it's a little to much lalo na at sensitive ang dalaga.
Lio sighed. Sometimes he couldn't control Nathalie. Kakaiba kasi ito sa ibang babae na nagbubuntis.
Hinahabaan nalang niya ang pasensya niya dahil mahal na mahal niya ang dalaga. Sobra na kahit gaano pa ito ka-sensitive ay hindi siya susuko.
He loves her so much.
"Pupuntahan ko lang ho siya." Paalam niya.
"Mabuti pa. Para makapaghapunan na kayo at makapagpahinga na siya. Hindi maganda sa nagbubuntis ang nagpapagod."
Tumango siya. "Oho, Nay."
Lumabas siya at nagtungo sa dalampasigan kung nasaan si Nathalie na abala paring namumulot ng mga shell.
Hindi nito napansin ang prisensya niya kaya gano'n nalang ang pagngiti niya nang marinig ang pag-awit.
Nathalie isn't a good singer, but she is in tune.
Pinag-krus nalang niya ang kamay at pinanood lang ang dalaga sa ginagawa. At habang pinapanood niya ito, marami siyang napagtanto.
Lahat ng hirap, sakit at sakripisyo na ginawa niya, makita at makasama lang ang dalaga. She is worth everything.
Hinding hindi siya mag-sasawa na panoorin ito. Kahit pa kumulubot na ang balat nito, kahit pa pumangit ang katawan nito dahil sa ilang anak na bubuhayin nila.
No matter what happen, she is still his Nathalie. His forever love. His future wife.
"Pearly shells, on the ocean.." humarap ito sa gawi niya at natigilan. Nathalie smiled as soon as her eyes laid at his. "Hi." Bati nito sa kanya na para bang noon lang sila nagkita.
"Hello." Balik na bati niya.
Inilahad nito ang dalawang palad na may iba't ibang uri ng shell. "I picked this so we can decorate our house."
Lumapit siya sa dalaga. "Talaga? Do you want to live near the beach? So you can pick all the shells that you want?"
"That would be great. But I am ok with me living in the farm. Do you want to live in farm?" Tanong nito sa kanya.
"Kahit saan pa tumira, basta kasama ka at ang magiging anak natin. That's what mattered most."
Nathalie smile. "I can't wait to live with you, Lio." Binitawan ni Nathalie lahat ng shells at yumakap ito sa kanya.
"Ako rin. I can't wait to have a life with you and our future kids."
LIO covered her eyes as they entered the garden. Natanaw na niya ang mga ilaw na nakapalibot sa hardin, pero hindi niya makita kung ano ang nasa loob nito.
BINABASA MO ANG
Herrera Series 6: Falling for Ms. Dangerous
Fiksyen UmumNathalie Herrera grew up in a country side for as long as she can remember. Kaya naman mas pinili niyang manirahan sa probinsya at pamahalaan ang rancho na pinamana sa kanya ng kanyang lolo kaysa ang manirahan sa lungsod at makipag-sosyalan. She li...
