Chapter 21"YOU should throw a party for me."
She sighed. Bakit ba niya nakalimutang magkakarugtong ang terrace ng bawat silid sa ikalawang palapag ng mansyon ng kanyang Lolo.
Kumunot ang kanyang noo at inis na nilingon ang binata pero kaagad din iyong nawala nang makita ang nakasando nitong katawan. Hapit na hapit iyon sa binata kaya kita ang matipuno nitong katawan.
Naglulutangan ang maumbok na dibdib at nakapanlalaway nitong abs. Napalunok siya.
"Baka matunaw ako niyan."
Kaagad niyang inalis ang tingin at ibinalik sa swimming pool na nasa ibaba. "Bakit hindi ka pa natutulog?"
"Hindi ako makatulog e." Tumabi sa kanya ang binata. Dahan dahan pa niyang inalis ang siko niya nang dumikit ang siko ng binata. Para iyong kuryente sa kanya. "Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?"
"Kasi gising pa ako." She stated. "Obvious ba?"
Lio tsked. "Bakit ang pilosopo mo?"
Napakurap siya. "Aba, nagtanong ka, natural lang na sagutin ko. I don't want to be rude, you know."
Hindi na kumibo pa ang binata pero kita niya na gusto nitong sagutin ang tanong pero hindi na nagawa pa dahilan para mapangisi siya.
"Kaya mo bang tiisin ang ugali ng kapitbahay mo?"
Humarap sa kanya si Lio. Natigilan siya nang makita ang seryoso nitong mukha. Hindi niya mabasa ang emosyong ipinapakita nito sa kanya. "Kaya kong tiisin lahat, alam mo iyan."
"Ano na namang ibig mong sabihin?"
"You don't mean what you said earlier, right?"
"Na ano?" Kunot noo niyang tanong.
"Iyong sinabi mo sa amin kanina."
"I am a Herrera. I always mean all the things I've said." She back away. Nakatingin siya sa mapulang labi ng binata at para siyang nahihipnotismo. Napalunok siya.
"You can't resist me, Nath." Humakbang si Lio palapit sa kanya dahilan para maglapat ang katawan nila. Hindi na siya nakawala nang ikulong siya ng binata sa matitipuno nitong bisig at mas hapitin palapit. Ang kanyang mga hininga ay naghalo sa hangin at amoy niya ang amoy alak nitong hininga. "Not now, not ever. So if you're thinking to kiss me, I am much more willing to return the favor."
"Lasing ka."
"Yes, I am. Pero mas gusto kong malasing sa labi mo."
"Lio..." sinubukan niyang itulak ang binata pero mas malakas ito sa kanya. "I mean what I've sa---" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang sakupin ng binata ang kanyang labi.
Masyadong mapangahas ang bawit halik ng binata. Ang dila nito ay pilit nitong pinasok sa bibig niya at ramdam niya ang kakaibang kiliti no'n.
Impit na ungol ang kumawala sa kanya kasabay no'n ang pagtangay sa kanya sa kamunduhan. She is strong but Lio's kiss makes her weak. Ang halik lang nito ang nakakapagpahina ng tuhod niya. Ang bawat paggapang ng kamay nito sa likuran niya ang nakakapagpawala sa tapang na meron siya.
The strong and fierce Nathalie is a weakling afterall.
'And I'd like to be that weak when it comes to you..' hindi naglaon ay nagpaubaya na siya. Ang mga kamay niya ay pinayapos niya sa leeg ng binata at sinagot ang bawat halik ni Lio. Inilapit niya ang kanyang katawan sa binata kaya naman naramdaman niya ang kakisigang taglay ng binata.
She was walking backward while Lio's walking forward. Hindi mapaghiwalay ang kanilang katawan nang makapasok sila sa isang silid. Hindi iyon ang kanyang silid dahil hindi pamilyar ang amoy sa kanya. Malamang ay sa guestroom sila nagtungo kung saan ang binata.
BINABASA MO ANG
Herrera Series 6: Falling for Ms. Dangerous
General FictionNathalie Herrera grew up in a country side for as long as she can remember. Kaya naman mas pinili niyang manirahan sa probinsya at pamahalaan ang rancho na pinamana sa kanya ng kanyang lolo kaysa ang manirahan sa lungsod at makipag-sosyalan. She li...