Chapter 14

19.4K 658 30
                                        


Chapter 14

"WHERE is Lio?" Kunot noong tanong sa kanya ng kanyang ina nang pumasok siya sa kanilang tahanan na hindi kasama ang binata. Hindi sa ina ang kanyang mga mata kundi sa judge na nakaupo sa sofa at nakatingin sa kanya.

"Bakit may judge?" Tanong niya at matalim ang tinging pinukol ang kanyang ina. "Are you seriously planning to get us tie?! Are you out of your mind?!"

"No, you are out of your mind!" Balik sigaw ng kanyang ina na halatang galit na galit sa kanya. "Kung nag-isip ka ng tama, edi sana hindi ko ito gagawin! You know me, Nathalie. Gusto ko na magkaroon ka ng sarili mong desisyon pero hindi ko sinabing sagarin mo iyon. Now you ask me why I am doing this?! Ask yourself!"

"Ma, mistakes happens all the time!"

"You keep on doing mistakes, Nathalie. And I am done with it."

"No, Ma! I am so done with you! Hindi na ako bata! I am already 25 for pete's sake! What we did was just normal doings in our age! Awayin mo ako kapag ginawa ko iyon noong bata pa ako!"

"Huwag kang rumason!"

"It's a fact!"

"Don't shout at me, Nathalie!" Halata sa ina ang pang-gigigil. Nanginginig na ito sa galit at nanlilisik na ang mga mata. Kung dragon lang ito, malamang ay kanina pa siga natusta. But she knows her Mom better. Her Mom can't hurt her physically. "I am your Mother!"

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga para pakalmahin ang sarili. Ipinikit pa niya ang mga mata at nang makakalma na siya ay iminulat niya iyon at tumitig sa mga mata ng ina. "Gusto mo bang maging kagaya mo ako?" Natigilan ang kanyang ina. Hindi narin niya napigilan ang kanyang luha. Masakit para sa kanya ang bitawan ang isang bagay lalo na kung mahalaga sa kanya. "Ma, Dad was force to marry you because you were pregnant with me that time. Dad doesn't love you until now. And Lio doesn't love me but thank God I am not pregnant. I can save myself now because it's not too late for me. Pero kung ipipilit mo ako sa isang bagay na alam naman nating ako lang ang kakapit, baka hindi ko na maisalba ang sarili ko."

Lumapit sa kanya ang kanyang ina at hinaplos nito ang magkabilang pisngi. Awa ang nakikita niya sa mga mata nito at hindi niya iyon gusto. "Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ka ng isang buhay na hindi katulad ng sa akin. I want the best for you and I don't want you to suffer the way I suffered. That is why I am forcing you to get married because I thought he loves you. Pero kung gagawin ko iyon, I might do the worst mistake if ever. I am sorry."

Niyakap nalang niya ang kanyang ina. Ayaw na niyang pahabain pa ang usapan nila dahil baka hindi na niya kayanin pa. Sa balikat nalang ng ina niya ibinuhos ang lahat ng sakit sa puso niya. Doon niya nilabas ang luha na gusto niyang ilabas kaninang kaharap si Lio.

"Did you already fall for him?"

Dahan dahan siyang tumango.

"Aw, my poor angel." Ani ng ina. "Can you undo it?"

She hope.

KAAGAD na nangunot ang kanyang noo nang makita sa bungad na daan ng bundok na kanyang aakyatin papunta sa kanyang lugar ang isang pamilyar na lalaki. Nakangisi ito habang nakatingin sa kanya. Namumukhaan niya ang lalaki pero hindi niya ito kilala.

Meron itong kulay asul na mga mata at matangos rin ang ilong. Kulay ginto rin ang buhok, kagaya ng kay Nathalie. Tama lang ang kulay ng kutis nito.

"I remember you, you are the guy with Nath." Anito sa wikang ingles.

Napaingos siya. Nagpapasalamat nga siya dahil sa wakas ay nakaalis na siya sa rancho. Nakakairita na kasi ang mga ingles ng dalaga. Hanggang dito ba naman ay ingles parin ang maririnig niya. "Hindi kita naiintindihan."

Herrera Series 6: Falling for Ms. DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon