Chapter 13
NATHALIE, her mother and Lio are eating in silent infront of the table. Walang gustong magsalita o kaya ay hindi makahanap ng sasabihin. Ang kanyang ina ay nakaupo sa master's chair na dapat ay para sa kanyang ama. Nagtataka siya dahil doon ito umupo gayong hindi naman ito umuupo doon kahit wala ang kanyang ama. She knows that, even if she's not leaving with them. Gano'n kamahal ng kanyang ina ang kanyang walang kwentang ama.
"I've decided." Ang kanyang ina ang bumasag sa katahimikan. "Maghihiwalay kami ng bahay ng iyong ama. But as you said, walang annulment or divorse. You are right, hindi dapat na magkaroon ng karapatan ang babae niya at ang bastardo nilang anak sa yaman ng ama mo. That's for you to take."
"I don't need his money---"
"Ofcourse not." Malamig na sambit ng kanyang ina. "Paano kapag nalaman ng lolo mo ang kalandiang ginagawa mo? Paano kung tanggalan ka niya ng mana at itakwil, katulad ni Roxanne?"
"I don't really care."
"But I do." Iniusog nito ang plato na ginamit, tanda na hindi na ito kakain pa. Pinagsiklop pa nito ang kamay at nangalumbaba paharap sa kanya. "As your mother, I care about your future, I care about your share in his wealth. Kasi iyon ang magagamit mo kung wala na ako."
She chuckled sarcastically. "Takot ka ba na maghirap ako? Na kung saan lang ako pulutin? Gano'n ba?"
"Yes. You know nothing about life without money."
Nagkibit balikat siya. "Course I do. I have Lio. He knows a lot of things even without a money. Laki siya sa hirap kaya sa tingin ko, mabubuhay ako, kahit walang pera." Bumaling siya sa binata sa tahimik lang na ngumunguya ng karne. She felt a fang on her chest, when he didn't looked at her.
"At ano ang bubuhay sa inyo?" Nanghahamong tanong ng kanyang ina. "Pagmamahal? Do you actually believe that love can feed your empty and hungry stomach? Do you think love will help you through life? Nathalie, may I remind you that we leaving in 21st century---"
"Ano ba talaga ang big deal sa'yo, Ma? My share? My future? My dignity? Or my virginity?"
"All."
"Ma, as you've said, we're all living in 21st century. Malayo na sa kinagisnan mong buhay. Noon, nag-uunahan ang mga kalalakihan kapag nalamang birhen pa ang isang babae. Ngayon, nag-uunahan na kapag nalamang hindi na virgin ang babae. Ma, it's 21st century. Where girl's are crying over losing their iphone's rather than losing their pride as a woman. Five percent nalang sa mundo ang matatawag mong birhen. Bakit sila Saiden, si Sera at si Celeste, di'ba na-deflower na sila? Tinakwil ba sila ni Lolo?"
"Because, Sera is the favorite, Saiden is the Heir and Celeste is our face in family?! Kayong dalawa ni Roxanne, wala kayong titolo sa lolo niyo!" Hindi siya natinag sa pagtaas ng boses ng ina at sa matalim nitong titig. Ang bagang nito ay gumagalaw tanda na galit ito sa kanya.
Hindi na siya nagsalita pa dahil pagod na siyang makipagdiskusyon sa kanyang ina. Lalo na kapag inilalabas nito ang mga gano'ng usapin sa kanya. She doesn't want to talk about that damn title on their grandfather. Alam kasi niyang naiinggit lang ang kanyang ina sa mga pinsan niya. Isa pa, umiinit narin ang ulo niya baka kung saan pa sila mapunta ng ina.
"I think I lost my appetite." Aniya saka tumayo. "Lio, lalabas tayo."
"Be home at seven. May judge akong papupuntahin dito."
She heaved a sigh then nodded. Wala na siyang magagawa sa gusto ng kanyang ina. Ang inaalala lang niya ay ang binata. Baka kasi napipilitan lang ito sa gusto ng ina.
Naglakad siya palabas ng bahay, palabas rin ng gate. Hindi niya kinuha ang sasakyan at nilampasan lang niya ito.
"Nathalie?."
BINABASA MO ANG
Herrera Series 6: Falling for Ms. Dangerous
General FictionNathalie Herrera grew up in a country side for as long as she can remember. Kaya naman mas pinili niyang manirahan sa probinsya at pamahalaan ang rancho na pinamana sa kanya ng kanyang lolo kaysa ang manirahan sa lungsod at makipag-sosyalan. She li...
