Chapter 1: High School Graduation (Dianne)

20.8K 282 1
                                    

As expected, valedictorian ang bestfriend ko.

Nakaupo lang ako sa isang tabi sa may harap ng eskwelahan namin, bago makalabas sa gate. Ganoon naman sa amin. Graduation, J.S. Prom, recoginition rites, sa eskwelahan lang. Nasa stage si Jeremy. Nagsspeech sa dirediretsong English.

"My fellow graduates: As we embark in this journey, we should remember where we came from, and have the ultimate goal of not only helping our friends and family, but our province."

Ganyan siya kalalim. Tunog pulitiko.

Ewan ko ba, parepareho naman kaming nakaputing toga pero pormang porma si Jeremy. Morenong may dating, matangkad, gustong gusto siya ng mga estudyante at mga teacher namin. Parang halimaw mag-aral sa sobrang sipag. Nakapasok sa UP Diliman.

Ito ata ang unang pagkakataon na hindi kami magkasama. Magkaklase kami simula't simula. Iniwan siya ni Tita Malou sa classroom noong kinder, maya't maya ay humagulgol agad siya. Nagbinata siyang walang inisip kung hindi mag-aral. Madalas siyang inaasar: bakla daw. Puro babae ang kaibigan. Hindi lumalabas ng bahay.

Madalas niyang sabihin:

"Hindi ako bakla. Kung bakla man, wala kayong pakialam! At walang masama."

Tapos, magsisitakbuhan na ang mga kaklase naming lalaki.

Minsan ganito ang usapan namin kapag may pasok:

"Je, alis kami nila Shiela. May bagong coffee shop sa Ibañez, usyoso lang. Sama ka?"

"Sa weekend na lang. Hindi ko pa sigurado yung sagot ko sa assignment sa Algebra."

"Ehh... bakit pa nga ba ako nagtanong?"

Madalas ganoon kami, weekdays, nakakausap ko lang talaga si Jeremy kapag seryosong tungkol sa school. Masaya siyang maging kagroupmate: wala ka nang aalalahanin, lahat ng detalye asikaso niya.

Sa weekend naman, nakakapagliwaliw kami ng Sabado ng hapon. Didiretso kami sa may palengke, bibili ng fishball, kwek kwek, tapos dadaan sa bakery para bumili ng custard cake at coke. Pareho kaming mahilig sa matamis.

"Oh, andito na naman kayong dalawa." Sabi ni Aleng Isay, ang may-ari ng bakery.

Madalas na kaming umuupo sa may gilid ng bakery. Hinahayaan niya lang kaming kumain kahit nagdala kami ng pagkain galing sa labas.

"Ahh. Opo." Tapos, mag-uusap lang kami ni Jeremy tungkol sa mga pangarap namin.

"Mag-aartista ako!" Madalas kong sabihin kay Jeremy tapos hahalakhak siya.

"Ako, depende kung ano ibigay ng pagkakataon." Tumingin na naman si Jeremy sa malayo, sabay higop sa malamig na bote ng coke.

"Dianne, sa Manila rin mag-aaral si Willa. Sa tingin mo magkikita kami doon." Kumunot ang noo ni Jeremy. Madalas kumukunot ang noo niya kapag nag-iisip siya, at nag-iisip siya palagi.

"Quezon City ka. Sa City of Manila siya. Ilang oras ang pagitan noon. Ang traffic pa naman."

"Wala naman masamang mangarap e. Itext ko kaya siya pag start ng classes noh?"

"Busy kayo nun. Palipasin mo muna ang isang buwan. Kunyari homesick ka."

"Mamimiss ko siya."

At doon na nadurog ang puso ko. Matagal ko nang alam na may gusto si Jeremy kay Willa. Paano nga ba naman, maganda, mayaman at matalino naman si Willa....mas matalino siya kaysa sa akin. Ako, oo nasa honors section ako, pero madalas naman nasa gitna lang ako ng rankings. Saktong chill chill lang. First honorable mention si Willa sa graduation, sa isang top private university sa Manila siya magcocollege. May charisma: Student Council President, nakuha niya ang charm ng tatay niya na siya namang Mayor sa lugar namin. Maraming nagkakagusto kay Willa. Sino nga ba naman ang hindi? Matagal na siyang patagong tinititigan ni Jeremy. Pareho silang competitive pero hindi naungusan ni Willa si Jeremy, kahit isang grading period. Sa totoo lang, pinagdasal ko talagang hindi pumasok si Willa sa UP, kung saan sigurado akong papasukan ni Jeremy. Siyempre, baka magkadevelop-an pa ang dalawang yan. Paano naman ako? Sobrang simple. Morena. Maliit. Hindi rin kami mayaman.

"As we bid farewell to the walls and the gates of our alma mater, we also bid farewell to our dear teachers, our dear friends..."

Paalam din sayo, Jeremy. Sana magkita pa rin tayo sa Christmas vacation. Sana...

My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon