Maraming nagtataka kung papaano naging kami ni Jeremy. Well, simple lang. He was the shoulder to cry on when I needed it. Matagal akong heartbroken kay Todd. Hindi ko siya kinakausap since the incident na nahuli ko siya with another girl. Boiling point noong umuwi na ako ng probinsya for the first time since graduation. Sila Todd naman, sa Manila nagcelebrate ng pasko. Nagpost siya ng picture sa Facebook with his family, sinama nila sa dinner ang babaeng yon. It looks lang inintroduce na niya siya to his family. Ang bilis bilis lang.
"Jeremy, I don't know what to do."
"Willa, you know what to do. You just don't want to face the truth." Kalmadong sabi ni Jeremy, habang hinahaplos ang mahaba kong buhok.
"Tama na kakaiyak. Party ngayon diba?" Dagdag niya. Totoo nga naman. Party ngayon. Naghanda pa kami para sa mga classmates namin. Dapat masaya ako.
"I just want to let it all out. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Hindi ko masabi sa parents ko. Sasabihin lang nila: 'yan kasi... ang bata bata mo pa nagboyfriend ka na', everyone else... I have a feeling na ikekwento lang din nila.... 'uy yung anak ni mayor, iniwan na ng jowa.'"
"Alright, kilala mo ako. You can tell me." Hindi magsasalita si Jeremy. Alam ko yun. At noong araw ding iyon, may humawi sa bigat ng nararamdaman ko.
Nakakatuwa lang. Nagsimula sa isang random na text mula sa isang kaklase na hindi ko naman gaanong kaclose noong high school, tapos coincidental na pagkakasabay sa eroplano. Biglang naging solid kami ni Jeremy. Lahat ng bagay pwede ko sabihin sa kanya, without being judge. Hindi rin siya yung tipong magiging interesado lang sa buhay ko, kasi gustong maki-chismis. May genuine concern talaga siya sa akin.
Then, it dawned on me, iba talaga siya sa mga lalaking nakilala ko. Wala siyang pakialam kung ano ang suot ko, wala siyang pakialam kung magpapakita man ako sa party na hindi naka-contact lenses, hindi nakapagsuklay... totoong nag-aalala lang at may malasakit. Sa pamilya ko, kailangan ayos na ayos ako kapag haharap sa mga tao. My dad's mantra is "pull your sh** together". At totoo, yan ang naging mantra ko rin sa buhay ng matagal na pero ewan ko ba noong araw nung get-together, I wasn't able to pull my sh** together. Ang lakas lang talaga siguro ng tama ko kay Todd.
It occurred to me, kapag may "perfect guy", si Jeremy na iyon. Why should I fall for a rich bad boy?
Six reasons why Jeremy Galvez is the perfect boy.
1.) Matalino.
2.) Masipag
3.) May pangarap sa buhay.
-Those three traits all together, hindi na niya kailangan maging mayaman,. Ang tatlong iyan na ang ikakayaman niya.
4.) Matangkad, Moreno at Guwapo.
-Purely aesthetic pero totoo. Mas lalo siyang tumangkad nitong huli. Growth spurt ata. Hindi siya nakakahiyang ka-holding hands in public. Hindi rin ako matatakot kung ano magiging itsura ng magiging anak namin.
5.) He knows when to stay shut.
-Hindi puro daldal lang ng daldal. Nakakapagtago ng sikreto.
6.) Sanay sa simpleng buhay.
-Hindi basta bastang maglulustay ng pera. Mag-iisip kung saan pwede itong ipundar.
So, ayun na nga... as Jeremy is better than most of the guys that I know, at wala naman siyang girlfriend, inunahan ko na. I know jackpot when I see one. First dibs ako. Ewan ko ba, ever since Todd, nakikita ko na yung advantage of having a boyfriend. Somehow, hindi ka pwedeng i-ignore ng boyfriend mo. Hindi ka rin pwedeng pagsabihan ng madrama. You have to stick together, through thick and thin.
Kapag weekend at wala akong pasok, didiretso ako ng Diliman to visit him. Kakain lang kami sa canteen, maglalakad lakad sa campus. Maingat si Jeremy sa akin, aakbay, hahaplos sa buhok, hahawak ng kamay pero kalkulado niya lahat. Hindi padalos-dalos. Para bang isa akong vintage na porselana, na pwedeng mabiyak, at mabasag.
"Jeremy, ano na ba balak mo?" Tanong ko, isang hapon habang nasa ilalim kami ng puno sa U.P. Diliman at hinahaplos ni Jeremy ang mahaba kong buhok.
"Anong balak? Graduate college tapos sana makapag-law school. Then, padalhan ko si mama kapag nagkasahod na ako."
"Not that, I mean....us. Hindi naman siguro kita pupuntahan dito kung friendship lang ang sadya ko, 'diba?" It's now or never. Kung hindi ako magtatanong, hindi ko malalaman ang sagot.
"I was hoping you'd never ask."
"Ano ba naman, Jeremy? Really? Am I not important to you?"
"You are. Pero alam mo naman yun Willa diba, wala akong pera, everything that I have, sa scholarship galing. Si mama, mag-isa lang sa probinsya. I don't have money to spend on expensive dates. My life doesn't come easy." Tugon niya.
"I know, but you have the smarts, and ambition. That makes all the difference. Don't you like me?"
"I do. Since high school."
So, doon na kami nagsimula. I kissed Jeremy under a tree. He pulled back, and smiled. He kissed me, this time.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]
General FictionKababata ko si Jeremy. Lumaki kami sa probinsya: sabay nag-aral sa pampublikong paaralan, umakyat ng mga bakod at puno, at nangarap. Lumipas ang maraming taon pero sa tingin ko mahal ko pa rin siya. Matalino si Jeremy. Nakakuha siya ng scholarship...