Sinend ko na sa secretary ang mga pleadings ko through e-mail. Tatlong araw na akong naka-sick leave. First time kong umabsent sa trabaho. First time kong umabsent sa kahit na ano, para sa sarili ko, since high school. Ayokong kumain. Kung dati, nauubo ako at ayaw ko ang amoy ng yosi, surprisingly, nakaubos ako ng isang pack sa tatlong araw kong wala sa trabaho. With Willa gone... I don't know...Wala akong gana sa lahat.
"Jeremy, are you alright? You haven't been to work. Sabi ni Emma, sick leave ka daw? Puntahan kita today after work. Madami lang ako tinatapos for Atty. Go." Text ni Willa. Pfffft! Atty. Go! Hindi naman trabaho ang ginagawa niya for him. Iba ang tinatrabaho nila.
"No need. I'm actually out of town." Sagot ko. Blinock ko na ang number ni Willa. Youtube na lang ako ng youtube sa cellphone ko. Hindi ko rin bigla pwedeng i-off. Baka itext ako ng mga bosses ko sa work, or tawagan. Ayokong maging iresponsable.
2:20 p.m.
Bigla akong ginanahan kumain somehow. Bumaba ako sa convinience store at bumili ng instant noodles at yosi. Biglang tumawag si Atty. Lim. Kinabahan ako.
"Jeremy, how do you feel about working in our Alabang Office?" Bungad ni Atty. Go. Hindi pa nga ako natatapos mag-hello at apologize.
"Uhh... sir I'm so sorry po. Is this about my three day absence? It won't happen again. Do you want me to report to our office now?" Sagot ko. Nanginginig ang boses ko sa takot.
"Yes, and no. I get why you're absent. I asked Willa. She said hindi ka daw nagkakasakit since high school kayo. I get it hijo, I get it."
"Uhmmm... I'm sorry sir. What do you get? Sorry po. I don't get it." Naguluhan ako, at mas lalong kinabahan.
"I know why you're absent. Off the record...You're the last person to know. I know you don't want to talk about it. I'm offering you something you can't pass up. Matagal ko na iniisip lumipat sa Alabang Office natin. Puro staff lang nandoon. It's a waste. It's hardly a law office without a lawyer right? I already brought it up with the partners. Andiyan ako Tuesday to Friday. Monday, lawyers' meeting doon sa Makati main office. How do you feel about coming with me? I'll add 50% to your base salary and free lodging ka doon sa apartment building which I own. You don't mind living in the same building with some staff and renters? And... medyo kulang yung staff sa Alabang Office. Do you know anybody na pwedeng ihire? We're hiring secretaries and paralegals."
Masyadong sikat si Atty. Lim para hindi dayuhin ng iba niyang clients kahit malayo. High profile pro-bono case? Naipapanalo niya. Ang bango bango ng pangalan niya sa media. Impeachment case ng isang dating presidente? Check. Lahat ata ng hinahawakan ni Atty. Lim, nagiging ginto. I am honored. Isang beses ko na lang makikita si Willa at Atty. Go sa isang linggo. Dagdag sa take home pay na siguradong makakadagdag sa padala ko kay Mama. Pagkatapos ng taon at matapos ang kontrata ko sa Makati, wala na rin akong babayarang renta. Bakit ako hihindi sa inooffer ni Atty. Lim?
So, I said yes.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]
Fiction généraleKababata ko si Jeremy. Lumaki kami sa probinsya: sabay nag-aral sa pampublikong paaralan, umakyat ng mga bakod at puno, at nangarap. Lumipas ang maraming taon pero sa tingin ko mahal ko pa rin siya. Matalino si Jeremy. Nakakuha siya ng scholarship...