"Good morning Jerold!" Bati ko kay Jerold pagdating ko sa opisina.
"Good morning Jeremy." Bati niya. Hindi siya lumingon sa akin. Nakaharap pa rin siya sa computer niya at nagtatype.
"You came in early."
"Yeah. May deadline ako today. Yung punyetang secretary hindi pa natatapos pinagawa ko."
"Sinong secretary?"
"Don't worry, hindi yung girlfriend mo."
Natahimik kami. Hindi ko na siya dinistorbo. Lumabas ako sandali para magtimpla ng kape. Wala si Dianne sa desk niya. Hindi na mapakali si Rita. Inutusan ko ang isa sa mga paralegal para magtimpla ng kape ko.
"Jonas, patimpla naman ng kape."
"Yes boss." Dumeretso na siya sa pantry para kumuha ng baso. Sinundan ko siya.
"Anong nangyayari?" Tanong ko.
"Nalagot si Rita kay Atty. Limjoco, sir. Bad mood si Rita, nag-away pa ata tsaka si Dianne."
Dumeretso na ako sa office room ko para simulan nang magtrabaho. Mga alas dos ng hapon ng tumawag si Atty. Lim. Usually, kapag nagbibigay siya ng trabaho, nag-eemail muna siya o ang secretary niya ng mga dokumento sa akin. Tiningnan ko saglit ang e-mail ko. Walang e-mail na nanggaling kay Atty. Lim. Sinagot ko ang tawag.
"Jeremy."
"Yes sir."
"I understand, the secretary and you... are an item."
"I guess so, sir."
"I thought she was just your high school friend... and here I am thinking that men and women can be good platonic friends."
Hindi ko sinagot ang komento niya. Ilang segundo din ang lumipas.
"You realize that you're effectively cohabiting with a secretary?"
Kinabahan ako.
"Ahh... I guess so sir."
"As you know, My family and I, we are very catholic."
"Oh... Do I need to move out sir?"
"I must admit. It doesn't look good. You might open yourself and the firm to a sexual harassment case."
Hindi ako sumagot.
"Jeremy, alam kong wala sa contract mo that you cannot form a romantic relationship with a subordinate but please keep it proper. I know that you are aware of Atty. Go's doing pero iba yun. Armand and I are equals. He brings in a lot of money for the firm.... You and that secretary on the other hand... are expendible. At first, when you moved in with her, I said it's none of my business and I don't want to know but you decided to make things public and this one is on you."
"I'm sorry sir." Hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong isagot.
"Ok. You don't have to move out. I understand the girl has a kid and you live with her mother and the paralegal is her uncle but please, please, keep things proper. If you get the girl pregnant, you either have to marry her or you have to move out of my property."
"Ok sir."
"That's all. Goodbye Jeremy."
"Bye sir."
Binaba na niya ang telepono.
Hindi ako sigurado kung ano ang nararamdaman ko. On the one hand, mananatili kami sa apartment na tinitirahan namin ngayon pero on the other hand, may warning na. Oo nga naman, may anak si Dianne sa pagkadalaga but is it really fair to think na magbubuntis siya ulit? Thankful ako na pinatira kami ni Atty. Lim sa apartment building niya ng libre. Thankful ako na instrumental si Atty. Lim at ang foundation niya sa pag-aaral ko noong college at law school. Siguro lahat talaga ng swerte, may hangganan.
Kailangan ko na lang maging maingat at alagaan ang tiwala ni Atty. Lim.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]
General FictionKababata ko si Jeremy. Lumaki kami sa probinsya: sabay nag-aral sa pampublikong paaralan, umakyat ng mga bakod at puno, at nangarap. Lumipas ang maraming taon pero sa tingin ko mahal ko pa rin siya. Matalino si Jeremy. Nakakuha siya ng scholarship...