So the day of the renewal of vows finally came. Alas dose ng tanghali, handa na kaming sumabay sa Alabang lawyers and staff ng Paredes Lim & Go. May van na susundo sa amin.
"Dianne, are you ready?" Kumatok ako sa gilid ng nakabukas na pinto.
"Yes boss!" Lumingon siya sa akin. Kakatapos lang niyang mag-apply ng makeup. Tumayo siya.
"Baka isipin nila, ikaw yung bride. 'Eto, gamitin mo." Ibinigay ko sa kanya ang isang tube ng pulang lipstick na binili ko last week.
"Huh? MAC. Mahal 'to ha"
"Huwag mo na isipin yun..."
Ipinahid ni Dianne ang lipstick sa labi niya, at ngumiti.
Pink na halter dress ang nabili naming damit. Bagay na bagay sa kanya. Ang mumurahing damit sa divisoria, naging mukhang designer kapag sinuot ni Dianne. Naka-half ponytail at malalaking kulot ang buhok niya.
"Again, you might be mistaken for the bride." Hinawakan ko ang kamay niya.
"Je....Kinakabahan ako." Hinawakan niya ng mas mahigpit ang kamay ko.
"For?"
"Secretary lang ako. Utusan." Tumingin siya sa akin, malungkot ang mga mata.
"Walang masama sa pagiging secretary, Dianne." Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya.
"I love you. Everything will be alright."
Naglakad na kami papunta sa living room para hintayin ang van.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Magkakatabi kami nila Dianne at ng pamilya niya sa simbahan. Naglakad si Mrs. Paredes na nakacream colored gown: nakangiti, naluluha sa tuwa. Si Atty. Paredes, ngiting ngiti din. Nakakatuwa lang isipin na ganito sila kasaya, sa loob ng twenty five years. Kilalang kilala na nila ang isa't isa: lahat ng masasayang alaala, ang mapapait...mga maliliit at malalaking bagay alam na alam na nila. How can you stay in love for that long? Sa totoo lang, hindi ko alam. Lumaki ako ng walang tatay. Si Dianne, na best friend ko habang lumalaki, wala ring ama. Siguro, ang higit sa lahat... iniwan ako ng long time girlfriend ko. Hindi ko alam... pero gusto kong maranasan ang magmahal ng isang tao ng tatagal ng higit dalawampu't limang taon.
Sa reception,naupo ako sa associate's table. Nauna nang nakaupo si Dianne sa isa sa mga table ng mga support staff kasama ang pamilya niya. Pumunta ako para sunduin siya. Sinabi ko sa RSVP na may plus one ako.
"Dianne, come here." Hinawakan ko ang kamay niya ay tumayo siya. Naupo siya sa tabi ko sa isa sa mga Lawyers' table.
"Oh. Hi Dianne." Sabi ni Willa.
Ngumiti si Dianne.
Nasa table din namin si Willa. Hindi ko alam kung alam ni Atty. Paredes o ng nag-arrange ng seating ang mga nangyari sa pagitan namin ni Willa... at ang sa kanila ni Atty. Go pero nagpromise ako kay Dianne. This is a good time for everyone else to be comfrotable with our relationship.
"Oh, Dianne is your plus one." Sabi ni Jerold Limjoco. Si Jerold ang occupant ng desk na katabi ng akin sa opisina. We share an office room.
"Yes Jerold."
"Okay... Puno na yung tables ng mga staff?"
"No. Not really." Hinawakan ko ang kamay ni Dianne at inangat ang magkabigkis pa rin naming mga kamay sa mesa.
I looked around. Tahimik ang table namin. Tumitingin sila sa amin.
"CR lang ako." Tumayo si Dianne para pumunta ng ladies' room. Nanatili akong nakaupo.
"You asked what lipstick my mother is wearing. Akala ko naman para sa nanay mo." Sabi ni Jerold.
"Well, I just think na she has the same complexion as Dianne..."
"Make sure lang, hindi ka magkakasexual harassment case diyan sa ginagawa mo. You don't mind kung uutusan ko pa rin ang siyota mo?" Dagdag ni Jerold. Ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]
Aktuelle LiteraturKababata ko si Jeremy. Lumaki kami sa probinsya: sabay nag-aral sa pampublikong paaralan, umakyat ng mga bakod at puno, at nangarap. Lumipas ang maraming taon pero sa tingin ko mahal ko pa rin siya. Matalino si Jeremy. Nakakuha siya ng scholarship...