"Jeremy, si Dianne daw, nasa kila Mark!" Sigaw sa akin sa telepono ni tita.
Nagtext daw sa kanya si Willa gamit ang di kilalang numero. Hindi sumasagot noong sinubukan niyang tumawag.
Dali-dali akong tumakbo at pumara ng tricycle papunta sa bahay nila Mark.
"Tita Sandra! Tita Sandra!" Nasusuntok ko na ang pinto sa galit.
"Ano? Bakit ka nanggugulo dito? Ipapabaranggay kita! Wala akong pakialam kung abogado ka!" Sagot niya pagkatapos magbukas ng pinto.
"Dianne! Dianne! Dianne! Alam kong nandiyan ka! Dianne! Dianne!" Sumigaw ako ng hanggang sa makakayanan ng baga ko.
"Wala nga dito sab-....."
Hindi na natapos ni Tita Sandra ang sasabihin niya. Tumakbo si Dianne papunta sa akin, hawak ng kaliwang kamay niya ang kamay ni Amelia.
Nagsimulang umiyak si Amelia, at dali dali kaming pumara ng tricycle.
"Sa pinakamalapit na police station po."
Pagkababa namin sa police station, pumunta kami ni Dianne sa desk.
"Jeremy, pwede ba papuntahin mo mama mo dito? Kailangan lang ng may magbabantay kay Amelia. Ayokong marinig niya ang mga sasabihin ko." Tulala at naluluhang sinabi ni Dianne.
Tinawagan ko si mama at sa labin-limang minuto naming naghintay sa istasyon ng pulis, nakahawak lang ako sa kamay ni Dianne, habang kandong niya si Amelia. Tulala pa rin siya.
Kinuha ni Mama si Amelia para dalhin sa may labas ng police station.
"Mama! Mama!" Nagsimulang umiyak si Amelia.
"Anak, susunod si Mama ha? Intayin mo lang ako. Wag kang aalis sa tabi ni tita." Niyakap ni Dianne si Amelia, at pagkatapos ay tumango sa nanay ko. Dinala na niya si Amelia at dinala palabas.
Doon na nagsimulang magkwento si Dianne sa nangyari sa kanya. Sinusulat ko sa papel ang nilalahad niya, kasabay ng pagtatype ng isang pulis sa desk.
Nagsimula sa pagpunta ni Mark sa Alabang Office ng firm, sa pagpunta ni Mark sa eskwelahan ni Amelia, sa pagkuha ni Mark kay Amelia noong saglit na umalis para mag-CR ang nanay ni Dianne, pagtext ni Mark kay Dianne para papuntahin siya sa bus station, pagtapon ni Mark sa cellphone niya, pag-uwi nila sa probinsya, pagbantay sa kanya ni Mark at Tita Sandra sa bahay nila... at sa isang kaganapan na hinding hindi ko matanggap...
"Jeremy, tama bang nandito tayo at kinakausap ko ang pulis? Parang ginusto ko naman ang nangyari. Ginusto kong magka-ayos kami. Masaya akong sinusubukan niyang makuha ulit ang loob ko. Mabait siya sa akin. Mabait siya kay Amelia."
Doon na sumagi sa isip ko: ang paggamit ni Dianne ng mga salita.
"Kinuha" ni Mark si Amelia, at hindi "tinangay".
"Pinapunta" ni Mark si Dianne sa bus station, at hindi "tinakot para papuntahin".
"Pag-uwi" nila sa probinsya, at hindi "sapilitang pagdala" sa kanila sa probinsya.
"Pagbantay" sa kanila ni Mark Tita Sandra, at hindi "pagkulong".
"Pag-sex" nila ni Mark, at hindi "pag-gahasa" sa kanya ni Mark.
Umaandar ang utak abogado ko: Special Complex Crime of Kidnapping and Illegal Detention with Rape. Reclusion Perpetua. Twenty year prescriptive period.
Huminga ako ng malalim. Kailangan naming pag-isipan ang susunod naming hakbang.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]
Fiction généraleKababata ko si Jeremy. Lumaki kami sa probinsya: sabay nag-aral sa pampublikong paaralan, umakyat ng mga bakod at puno, at nangarap. Lumipas ang maraming taon pero sa tingin ko mahal ko pa rin siya. Matalino si Jeremy. Nakakuha siya ng scholarship...