Chapter 12: Moving In: Moving On (Dianne)

4.6K 88 2
                                    

5:30 a.m.

Nagtimpla ako ng brewed coffee sa apartment. Hinihintay ko matapos bumuhos ang kumukulong tubig sa giniling na barako. Ito ang paborito ni Jeremy. Nahuli ko siyang gising sa madaling-araw nitong mga nakalipasa, nagbabasa ng emails online, nagmumuni-muni. Ngayon, nagising ako ng mas maaga at ako na ang nagtimpla. Nakaupo ako sa dining table, at pinagbuhos ko siya ng kape.

"Dianne, alam mo namang hindi mo kailangan gawin yan dito. Sa office, sige. Pero dito, diba family tayo?" Sabi ni Jeremy, habang binubuhos ko ang kape.

"Hindi mo ba naaappreciate, Atty. Galvez?" Pabiro kong tanong.

"I actually, really appreciate it but you don't have to."

"Ok. It's the least I can do. Pinatira mo kami dito, binigyan kami ng trabaho."

Kakalipat pa lang namin sa Alabang. May free rent si Jeremy sa apartment building ni Atty. Lim. Kung rerenta kami ng pamilya ko, may 25% discount lang for the law office's employees. Para wala na raw kaming babayaran, pinatira na kami ni Jeremy sa unit na para sa kanya: two bedroom unit na mas maliit lang ng kaunti sa tinitirahan namin sa probinsya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa swerte ko. Bilang sukli sa pagmamagandang loob niya, sabi ko, kami na ni uncle ang magbabayad sa tubig at kuryente. Wala naman masyadong appliances si Jeremy bukod sa laptop niya at coffee maker. Bumili lang siya ng refrigerator at stove ng dumating na kami. Para naman daw makapagtago kami ng pagkain, at makapagluto. Dati, bumibili lang siya sa malapit na carinderia. Hindi nga siya nag-aaircon sa kwarto niya. Masaya na siya sa electric fan. Ang simpleng Jeremy na kababata ko, ganoon pa rin.

Pumapasok lang si Jeremy ngayon sa office ng nakalongsleeves na polo at kurbata. Kapag may clients, nagcocoat siya. Sabay kaming pumapasok sa office. Alam ng mga ka-opisina namin na magkababata kami pero fair si Jeremy. Nag-uusap lang kami sa opisina kapag tungkol sa trabaho. Napapagsabihan din ako tulad ng ibang empleyado pero malumanay, at laging may respeto siya sa lahat: kahit sa aming mas nakakababa sa kanya.

First day of Work ni Dianne: Paredes, Lim & Go Law Offices, Alabang, Muntinlupa

"Mister Teodoro and Miss Teodoro, this is your workplace: The Alabang Office of Parades, Lim & Go Law Offices. We are a full service law firm." Sabi ni Jeremy habang iniikot kami ni Uncle sa firm.

"Mister Teodoro, you will be guided by our set of paralegals. Your job is basically transportation and filing of documents to and from our Makati Offices and also, to government offices and or mail them as necessary. Please go to the paralegal room." Dagdag niya. Pumunta na si Uncle sa paralegal room, habang ako, nanatiling malapit kay Jeremy.

"And you, Miss Teodoro... you will do secretarial work. You will be answerable to me, and to all the Attorneys of Paredes, Lim & Go, most especially to the partners, please be a teamplayer and do as we say. You might be expected to render overtime work when necessary. Atty. Lim, one of the litigation partners, will be with us from Tuesdays to Fridays. This is your desk." Tinuro ni Jeremy ang isa sa mga desk na malapit sa ibang sekretarya: may computer at mga papeles nang naghihintay.

"Oh, for today... We are helping out the Makati Office with the filing of documents to the SEC. Ask Ms. Velasco, one of our secretaries, what to do. She will guide you... Ok... that would be all. Any questions?"

"Uhh sir... wheres the bathroom?" Bigla akong naiihi. Ang strikto at pormal pala ni Jeremy sa office.

"Go straight, and to your left, that's the ladies' room. Keep it neat and tidy. We don't want clients to see dirty toilets in our office. The toilets say a lot about the people working in the office. Understood?"

"Yes sir. Should I clean it after office hours sir? Or before office hours?"

"No. Just clean up after you use. I have to go. You're keeping me here. I have work to do."

"Sorry sir." Naglakad ako ng mabilis papunta sa CR. Hindi ko akalain... ang kababata ko, ninong ng anak ko, at dati kong kaibigan? Ngayon... boss ko na.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang dinaganan ng sampung kilong maleta ang dibdib ko, pero kasabay nito, ang mga paru-parong hindi mapakali sa tiyan ko.

My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon