Chapter 2: High School Graduation (Willa)

9.6K 171 1
                                    



Graduation na! Makakaalis na rin ako sa Probinsya sa wakas! Matagal na rin ako nag-aabang ng pagkakataon para magsarili. Puro na lang gusto nila Papa and Mama ang sinusunod ko.

School: De La Salle University.

Course: Political Science.

Boyfriend: Huwag muna.

Well, hindi ko rin naman sinunod yung huli. Pagkakaalam ng parents ko, wala pa akong boyfriend, but Todd is had always been and always will be. Marami sa mga classmates ko ang nakahalata sa amin last year. Naging kami, before he graduated. Sa liit ba naman ng probinsya namin, maraming makakatunog na kakilala ni Papa. Mahuhuli kami. Nasa Manila na si Todd. Through text, at chat na lang kami nag-uusap. Minsan, nagtataka ako kung okay pa ba kami. Ang dami kayang magagandang babae sa University. Mabuti na lang nakapasok din ako kung saan siya nag-aaral. At least, isang taon lang kami hindi magkasama. We can do whatever we want now.

Habang graduation ceremony, katabi ko ang mga magulang ko, masaya sila para sa akin. This baby graduated first honorable mention. I'm probably the smartest sa aming magkakapatid. I have a future. I think. Sayang lang, hindi ako magsspeech ngayon. Papa would have been prouder. Ganoon naman sa family namin, charisma is your best bet. Balak na ni Papa tumakbong Governor sa susunod na election. It helps to have a daughter he can parade around.

Umakyat na sa stage ang valedictorian namin. Valedictorian since grade school. What's new? Matangkad, moreno at tahimik si Jeremy.

"My fellow graduates: As we embark in this journey, we should remember where we came from, and have the ultimate goal of not only helping our friends and family, but our province." Good Lord. Para siyang tatay ko! This could've come from my speech too.

Aaminin ko: mas matalino si Jeremy sa akin, pero hindi siya masyado ma-charisma. Kung ako ang magsspeech, gigising ang mga high school graduates na hindi nakikinig. Papalakpakan ako ng mga magulang nila. Pero, I must admit, mabigat ang admiration ko kay Jeremy.

Sa munisipyo pareho nagtatrabaho ang mama niya, single mom. Sobrang simple lang nila. Kung gaano ka-amo ang mukha ni Jeremy, ganoon rin sila ka-low profile. Ibang iba sa mundo kong punong puno ng ngiti, posters, social media post at public relations. Minsan nakakainggit. Hindi ko alam ang ganoong klaseng buhay. Dito, everywhere I go, may nakakakilala sa akin: "Uy, anak yan ni Mayor." Nakakapagod na rin. I long to be in a place where I could be who I am. Hinihintay na rin ako ni Todd sa University.

"As we bid farewell to the walls and the gates of our alma mater, we also bid farewell to our dear teachers, our dear friends..."

Sa totoo lang, atat na atat na talaga akong umalis. Sa kabila ng palitan ng cards, regalo at iyakan sa mga araw bago mag-graduation, sa tingin ko ay panahon na para talikuran ko ang buhay dito.

Natapos ang ceremony pero as usual, hindi kami makakauwi kaagad. PR stunt na naman ni Papa ito. Kamay kamay sa lahat. Ngiti ngiti din ako dapat. Hindi ko na alam kung naka-ilang "Congratulations" na ang nadinig ko at naka-ilang "Thank you" ang nasabi ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ilan doon ang totoong masaya para sa akin, at bakit nga ba ang hilig nila mag-Congratulations sa high school graduation? Eh diba, sa bansang ito, kapag high school lang tinapos mo, kahihiyan kang malaki sa mga magulang mo? Bakit siya big deal?

Hinihintay ko na lang sila Papa at Mama matapos na kausapin ang mga magulang at Teachers ng bigla akong nilapitan ni Jeremy.

"Congratulations. Valedictorian." Sabi ko, sabay siko kay Jeremy. Napangiti siya.

"Thank you. Sa DLSU ka sa Manila mag-aaral?"

"Oo. Green and White! Ikaw, Maroon ka na!"

"Oo nga e. Saan ka titira?"

"Magrerent kami ng condo malapit sa school."

"Magkikita ba tayo doon?" Napangiti si Jeremy ng kaunti. Parang may kasabay na nerbyos. Hindi ko pa ito nakikita dati.

"Siguro. Malayo rin ang Quezon City eh. Magkikita naman siguro tayo sa Christmas break?"

"Picture tayo!" Nilabas ni Jeremy ang luma niyang cellphone sabay tutok ng front camera sa aming dalawa. Reflex ko nang ngumiti sa mga ganitong pagkakataon.

My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon