Chapter 24: Here With You Part 1 (Jeremy)

3.5K 77 0
                                    

Pumunta si Willa sa apartment na tinitirahan namin nila Dianne at family niya. Sa simula, masamang masama ang loob ko kay Willa. Hindi lang talaga fair. Naging mabuti akong boyfriend sa kanya. Sa buong buhay ko, hindi pa ako nagagalit ng tulad sa naramdaman kong galit kay Willa. The things I did wrong, the things I thought I did wrong, keep flashing inside my head. 

"Pupunta si Willa. Hindi raw siya aalis hangga't hindi ka niya hinaharap." Sabi ni Dianne pagkababa niya ng telepono. Tiningnan niya  ako na may halong awa.

Tahimik akong bumalik sa pagbabasa pa rin sa computer.

"Jeremy, narinig mo ba?" Tanong niya.

"Yes. I heard you." 

"Aalis na lang muna kami. Kailangan niyo ng privacy." Tinawag ni Dianne ang pamilya niya at sinabihang magbihis na. Kailangan nilang lumabas.

"Eto. Gift certificate. Pang-dinner niyo na." Inabot ko ang Gift Certificate na itinago ko sa bulsa ng planner ko.

"Thank you, Jeremy."

Umalis siya at hinintay kong dumating si Willa. Umupo ako sa harap ng pinto ng apartment at nagsindi ng yosi.

I guess it doesn't really matter what Willa and I talked about. I know how much I really loved her but now I realize how much I still do pero tanggap ko na. Sa ilang taon ko siyang naging girlfriend, alam kong mapride si Willa. It took a lot for her to apologize and tell me she wants me back. I empathize, really...pero kahit alam kong hindi na mawawala ang pag-aalala ko, paunti-unti nang nawawala ang pagmamahal ko sa kanya at dapat, manatiling ganoon ang progress ko. Hinding hindi ko na hahayaang saktan niya ako ulit. Binigay ko ang buong pagkatao ko sa kanya. She had my trust, my loyalty, and everything that I can give and now she lost it. Cheating is unspeakable. I have forgiven her but I don't want her back.

Out of the blue I told her that I'm in love with Dianne.

Dianne.

Dianne.

I guess, all this time, siya talaga iniisip ko. Ang pamamasyal, pagbili ng relo, pagpapatira sa kanila ng pamilya niya dito sa apartment... I think, I really knew that I liked her. Oo, bestfriend ko siya noong high school. We slowly drifted apart during college at noong naglawschool ako but I knew...I knew I like her. Kailangan ko lang talaga sabihin sa kanya.

Lumabas na si Willa sa apartment. I paused and drank the remaining coffee in my mug. Tinawagan ko si Dianne

"Hello?" Sagot ni Dianne.

"Dianne, ok na."

"Anong ibig sabihin ng ok na?"

"Umalis na si Willa."

"Kamusta ka?"

"Pag-uwi niyo, sasabihin ko sayo..."

"Sige, bye Jeremy. Uwi na kami pagkatapos namin bayaran ang pagkain."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hinintay kong patulugin ni Dianne si Amelia. Niyaya ko si Dianne papunta sa pinakamalapit na convenience store. Bumili ako ng black coffee para sa akin, at coke para kay Dianne.

"Oh, ano? Kamusta? Kayo na ba ulit?" Tanong ni Dianne, sabay ang parang pilit na ngiti.

"Hindi."

"Sorry, Jeremy pero... masaya akong hindi ka nakipagbalikan sa kanya."

"Bakit naman?"

"Ang hirap hirap masaktan. Yung sa akin at kay Mark, pisikal pero naiimagine ko na sobrang sakit din ang maloko." Tiningnan niya ulit ako. Hindi na siya nakangiti.

"I know."

"Mahal mo pa ba siya?"

"Sa tingin ko, hindi na mawawala yun. Ang tagal ng pinagsamahan namin. Ang laki ng parte ng buhay ko, kasama ko siya."

"Pero, kung mahal mo pa, bakit ayaw mo makipagbalikan?"

"Dianne, ganito kasi yun, there comes a point in your life, na kahit gaano mo kamahal ang tao, alam mong tapos na ang lahat sa inyo. Hindi na ulit maibabalik sa dati. Ikaw ba, noong iniwan mo si Mark, na tatay ng anak mo... wala na ba talagang natitirang pagmamahal?"

Hinawakan ni Dianne ang kamay ko. Nakatingin siya sa bote ng coke.

"Siyempre meron pero hindi ko hahayaan na ganoon lang ang gagawin niya sa akin tapos ok na ulit."

"Enough is enough. Dianne, are you ready to move on?" Sabi ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Dianne.

"Matagal na akong nakamove on. Ikaw ang dapat tinatanong ko niyan."

"I already did." Ngumiti ako. 


My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon