Chapter 37: Captive Part 2 (Dianne)

3.2K 59 0
                                    

Pagkatapos ng ginawa niya... (namin?.... niya?....) pumunta ako sa banyo at pilit na hinugasan at inaalis ang iniwan niya sa akin. Maaaring masundan si Amelia. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang gagawin ko. 

Hindi ako nakatulog sa gabing iyon. 

Umaga na. Naghanda ako ng kape at nagluto ng almusal. 

"Mahal. Magandang umaga." Hinawakan ni Mark ang mga kamay ko at hinalikan ako sa labi. Tiningnan niya ang almusal na niluto ko para sa amin. Batid sa mukha niya ang ngiti at saya na dala ng nangyari kagabi.

"Maraming salamat. Sahod na ngayon. Umalis tayo bukas." Hinawi niya ang buhok sa aking mukha at hinalikan ako sa noo.

Minsan, nararamdaman ko na mahal talaga ako ni Mark: kung papaano niya ninanamnam na nandito na ako, at sa kanyang isip, ay hindi na ako aalis. Siguro nga, masyado akong nahumaling sa ideya ng pagpunta sa malaking siyudad. Masyado akong natuwa na makikita ko si Jeremy ng madalas. Masyado akong nanaginip na maaaring may buhay pa sa labas ng probinsyang kinalakihan ko, at may buhay na hawak ko ang kinabukasan sa aking mga kamay.

Pag-alis ni Mark, may kumatok sa pintuan. Tumayo si tita Sandra mula sa pagkakaupo sa harap ng tv, at ipinasok ako sa kabilang kwarto.

Maninipis ang mga pader ng bahay. Narinig ko ang pag-uusap nila.

"Oh, anong ginagawa mo dito?" Bungad ni tita Sandra. "May balita ho ba kayo kung nasaan si Mark?" Tanong ni bisita. Si Jeremy.... Si Jeremy ang kumatok!

"Ah nasa trabaho. Bakit ba?"

"Si Dianne po, may balita kayo kung umuwi po?"

"Ah wala wala... diba dinala mo na yun sa inyo? Binahay mo na? Bakit mo pa hinahanap sa akin?"

Binagsak na ni tita Sandra ang pinto.

Pinipigilan kong humagulgol sa loob ng kwarto. Kung marinig ni tita Sandra, hindi ko alam ang maaari niyang gawin sa akin. Masamang masama ang loob ko. Si Jeremy, na iniwan kong hindi nagpapaalam, pumunta pa dito sa probinsya para hanapin ako. Si Jeremy, na minahal ako kahit ganito lang ako... si Jeremy. Siguro ay kailangan ko na siyang pakawalan. Marami pa siyang makikilala at marami pa siyang pwedeng abutin. May mga abogado, o baka doktor, basta't babae na mataas ang pinag-aralan at may "class" na pwedeng magmahal sa kanya, hindi lang ako ang dapat niyang patutunguhan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Noong sabadong iyon, lubos na ngang nagtiwala sa akin si Mark. Dinala niya kami ni Amelia sa mall para mamili ng gamit at mga laruan. Pagkatapos naming mamili, nagpaalam muna si Mark para mag-cr.

"Dianne, Amelia, cr lang ako ha?" Hinawakan ni Mark ang kamay ko ng mahigpit, at ngumiti siya.

"Magpapakamatay ako kapag mawala ka ulit." Bulong niya sa akin at humalik siya sa pisngi ko.

Naghihintay kami ni Amelia malapit sa cr ng nakita ko si Romina, isa sa mga dati kong co-teacher.

"Oh Dianne! Nandito ka pala! Kamusta ang buhay Manila? Ang ganda ganda mo! Iba talaga ang kutis kapag nasa siyudad!" Sigaw niya, sabay yakap sa akin.

"Ok naman ako. Siya nga pala, pwede ba mahiram cellphone mo sandali? Empty batt na ako. May kailangan lang akong itext."

Inabot niya sa akin ang cellphone niya at dali-dali kong tinype ang text at sinend sa numero ni mama na sagulado ko pa.

ma, ok lang kami ni amelia. nandito kami kela mark. nwala celpon ko. txt kita ulit pag may bago na.

My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon