"Dianne, si Mark...." Sigaw ni Mama sa telepono
Kumakabog ang dibdib ko. Bakit nga ba hinayaan ko lang si Mark? Nandito na siya sa Metro Manila. May mangyayari at mangyayari. Si Mark? Hindi siya pupunta dito at hahayaan lang kami. Hindi ko naitanong ang dahilan niya kung bakit pumunta siya dito pero alam ko, panggugulo lang ang sadya niya.
"Dianne, si Mark...."
"Ano, ma? Ano?"
"Sinundo ko si Amelia galing sa school...si Mark naghihintay sa labas."
"Ano? Anong nangyari?" Naiiyak na ako sa takot at galit.
"Naawa ako. Hindi na daw niya nakita si Amelia ng dalawang taon... Sinama ko na lang siya sa pagsundo sa bata."
"Ma, ano? Ma naman eh... Hindi mo ba naalala kung bakit tayo napunta ng Manila, ha?" Sigaw ko. Tumakbo na ako papunta sa CR para hindi ako madinig ng mga kasama ko sa trabaho.
"Anak... patawad."
"Nasaan na si Amelia ngayon?"
"Sabi ni Mark, magla-lunch na lang daw kami doon sa malapit na restaurant sa school. Pinagbigyan ko naman. Kawawa rin si Amelia, tuwang tuwa na nakita ang Papa niya. Nag-CR lang ako sandali. Paglabas ko, wala na sila."
Ala-una na ng hapon. Kumatok ako sa opisina ni Jeremy at Atty. Limjoco.
"Atty. Limjoco, patawad po. May emergency. Kailangan ko mag-half day."
"Okay."
Hindi man lang ako tiningnan ni Atty. Limjoco at patuloy lang siyang nagtype sa computer niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinubukan kong tawagan si Jeremy. Hindi siya sumasagot sa telepono.
Oo nga pala, kasama niya si Willa at may court appearance sila sa CTA.
Tumakbo ako papunta sa bahay. Naabutan ko si Mama: umiiyak pa rin.
"Anak, patawad."
"Mama naman eh... pagod ka na bang alagaan si Amelia? Sana sinabi mo."
"Patawad... Anong gagawin natin?" Patuloy na humahagulgol si mama.
"Hindi ko rin alam, ma. Hindi sumasagot si Jeremy sa telepono!"
Sinubukan kong tawagan si Willa sa cellphone niya. Tulad ni Jeremy, wala ring sumasagot... Hinatak ko si mama sa pinakamalapit na istasyon ng pulis.
"Ser, yung anak ko po nawawala." Sabi ko sa pinakaunang pulis na naabutan kong naka-uniporme sa istasyon.
"Ma'am, sige po, dito po kayo sa desk."
Hinatid niya kami sa pulis na naka-upo sa harap ng desk at nagsusulat.
"Pangalan po ng anak niyo ma'am?"
"Amelia Reyes po." Sagot ko.
"Kailan po siya huling nakita?"
"Sinundo ko po siya sa school." Sagot ni mama.
"Saan po siya nawala?"
Tumingin ako kay mama. Hindi siya makasagot.
"Naghihintay ang tatay niya sa labas ng eskwelahan. Hindi pinapapasok ng gwardiya."
"Ayy, ma'am... kinuha naman pala ng tatay?" Sagot ng batang pulis.
"Hindi kami kasal! Iniwan namin siya dahil sinasaktan niya ako! Wala siyang karapatang kunin si Amelia!" Napasigaw ako bigla. Hindi pa ako nagagalit ng ganito.
"Ma'am pasensiya na."
"Gawan niyo po ng paraan. Maawa naman po kayo. Binubugbog po nung tatay yung anak ko kaya kami napilitang umalis ng probinsya."
"Ma'am sige po. Ifafile po natin ito. I-aassign po natin sa isang police officer, ano po?"
Hindi ko na napakinggan ang sunod na sinabi ng pulis at ang mga kasunod na pag-uusap nila ni mama.
May natanggap akong text:
DIANNE, IUUWI KO NA SI AMELIA. SI MARK 2.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]
Ficción GeneralKababata ko si Jeremy. Lumaki kami sa probinsya: sabay nag-aral sa pampublikong paaralan, umakyat ng mga bakod at puno, at nangarap. Lumipas ang maraming taon pero sa tingin ko mahal ko pa rin siya. Matalino si Jeremy. Nakakuha siya ng scholarship...