Chapter 3: First Christmas Vacation After High School Grad (Willa)

8.2K 115 0
                                    

"Willa, kamusta? Paano ka uuwi? –Jeremy G." Biglang text ni Jeremy sa akin.

"Plane. Ikaw? Kamusta ka pala? Kamusta maroon life?"

"Ayos naman. Plane din. Nakabook ng maaga. Wala lang bagahe. Haha. Sa 22 ako uuwi. Ikaw?"

"Sa 22 din. Yung 9:40 a.m. flight."

"Nga naman, sabay pa tayo. See you."

Nagulat ako sa text niya. Una, hindi kami masyado nag-uusap sa school. Tahimik lang siyang tao. Samantalang ako, takbo dito takbo diyan sa extracurricular activities. Minsan nagkakasabay kaming umalis for regional Science or Math competitions pero hindi talaga siya pala-salita. Sometimes, I wonder what goes on his mind bukod sa inaaral sa school.

"Jeremy! Kamusta?" Nagkasunod kami sa pila sa check-in counter. Kinalabit ko siya at lumabas naman ang cheerful voice ko kahit umagang umaga.

"Ayos naman. Ikaw?"

"Ok lang naman. Dean's list ako first trimester!"

"Oh. Congratulations! To be honest, hindi na nakakagulat knowing how smart you are." Sabi ni Jeremy sabay ngiti.

"Nagsalita ang valedictorian! Kamusta ang English Lit? Go Maroons!"

"Ok naman. Ang dami kong hindi alam. Solid. Sanay na sanay ata ako sa Math at Science at sa mga competitions na pinapasok natin dati, hindi ko na masyado napagtuonan ng pansin yung lit noong high school. Basta memorize ko lang lahat ng characters at nangyari, ok na." Tumawa si Jeremy. Natawa din ako. Bihira ko siya makitang tumatawa dati sa school.

"If I may ask, bakit ka nga ba nag-Literature? Ehh, Math naman at Science ang forte mo sa school natin." Tanong ko.

"Gusto ko talaga ang lit. Nagbabasa lang ako ng hiniram kong books sa library kapag tapos na ako mag-aral pero siyempre, wala naman akong alam kaya yung gusto ko lang yung cover ang pinipili ko. Ang dami palang nirequire basahin sa mga private schools eh."

Nauna siyang nakapila kanina. Hinintay niya ako matapos at sabay kaming naghanap ng upuan habang naghihintay ng boarding.

"Kamusta pala si Todd?" Tanong ni Jeremy.

"Ayun, nambabae na." Nagulat ako sa tanong ni Jeremy. Hindi ko naisip na magiging interesado siya kay Todd. Ahead sa amin si Todd noong high school. Natahimik kami ng saglit. Tumingin si Jeremy sa akin.

"Okay lang yan. Huwag kang magagalit, pero hindi ko rin siya gusto para sayo." Sabi ni Jeremy. Bigla siyang tumingin sa malayo, parang may iniisip pang iba.

"And... here we go..."

"I'm so sorry. I didn't mean to... oh well... Dapat hindi na ako nangingialam." Sabi ni Jeremy, pagkatapos ay yumuko siya at inilayo ang tingin sa akin.

"It's fine. I ignored the signs." Sabi ko naman.

Ano nga ba ang nangyari sa amin ni Todd? Well, akala ko talagang hinihintay niya akong makapagtapos ng high school. Ako naman itong loka, naniwala. Pagdating ko sa university, parang bumalik lang kami sa dati. Ang sweet sweet niya. Napansin ko lang ang kakaiba, after two months. Siyempre typical jock, involved na agad siya sa student orgs. Sophomore pa lang, pero napupusuan na daw siya ng mga seniors na gawing officer sa Chemical Engineering Society, ang org ng Chem-Eng students. Ako naman, naninibago pa rin sa college life. Focus muna ako sa studies ko.

Text Exchanges namin ni Todd:

Babe, can we meet on Sunday na lang? We have org activity. VP Internals called in sick. I have to coordinate for room reservations. Nakiusap eh. I have to do it. Sorry...

Ok babe. I will just text Sandra to help me with accounting. Baka punta ako ng Parañaque, she's ok with me coming to her house for studies.

Ok. Luv u

Luv u 2

6:00 p.m., pumunta ako ng convenience store sa condo namin para dalhing baon before pumunta kila Sandra, 12 minutes away pa naman ang über ko, sabi sa app, ng bigla kong nakitang nakaupo sa sulok si Todd, kasama ang isang babae. Magkahawak kamay, nakasandal ang babae sa balikat niya. Pagbukas ko ng pinto ng convenience store, napalingon si Todd sa akin...

"Akala ko ba nasa Parañaque ka?" Bigla siyang napatayo at lumapit sa akin.

"Really? That's all you're gonna say?" Tumakbo na lang ako papalayo. Tinext ko ang über driver na pick-upin na lang ako sa gasoline station na malapit. Blinock ko na si Todd sa cellphone ko at sa lahat ng social media accounts, at doon na kami natapos.

Magkatabi kami ni Jeremy sa eroplano. Sa buong isang oras ng biyahe ay pumikit lang ako at sinubukan ko lang matulog.

"Willa, sorry ulit..." Sabi niya, pagkatapos naming bumaba sa eroplano.

"Ok lang. Text text. Hangout tayo habang nandito sa probinsya." Umalis na ako papunta sa sasakyan naming naghihintay sa labas ng airport. Hinihintay na pala ako ni Papa at Mama. Niyakap ko sila ng mahigpit. Tinawag nila ang suki naming porter para siya na ang kumuha ng bagahe ko.

My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon