Dalawapu't limang taon nang kasal si Atty. Paredes at Mrs. Paredes. Magkakaroon ng renewal of vows ceremony. Siyempre, invited lahat ng lawyers at staff ng Paredes, Lim & Go law offices.
"Dianne, come to the office please." Tawag ni Jeremy.
Nasa area ako ng mga secretary at gumagawa ng paperwork. Pumasok ako sa opisina. Wala si Atty. Limjoco sa desk niya, siya ang kasama ni Jeremy sa isa sa mga associates' room. Si Jeremy, nakaupo sa desk niya, nakaharap sa computer.
"Yes, Atty. Galvez?" Tanong ko. Strictly formal pa rin ako kung sumasagot sa kanya, kapag nasa opisina.
"The renewal of vows will be big. Have you received your invitation yet?"
"Opo."
"Sasama mom and uncle mo?"
"Yes sir, pati si Amelia."
"Okay then. Would you mind if you sit with me?" Tanong ni Jeremy.
"Uhhh..." Hindi ko alam ang isasagot ko kay Jeremy. Nakakahiya.
"Why, what's wrong? The associates are allowed to bring a plus one."
Tahimik pa rin ako.
"Nahihiya ka ba, Dianne?" Tanong niya. Pumunta siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Wala pa akong isusuot."
"Oh. That would be fine then. Punta tayo ng divisoria sa sabado. Sagot ko na isusuot mo.... at ni Amelia."
"Nakakahiya."
"It's a good opportunity. Gusto ko nang malaman nila." Tumayo si Jeremy galing sa desk niya.
"Ang?"
"Na girlfriend kita, Dianne." Ngumiti siya. Hinalikan niya ako sa pisngi.
Lumingon ako sa pinto: nakasara pa din pero nakabukas ang blinds. Wala akong napansin na nakakita.
"Tayo na?"
"Yes... If that's what you want." Hawak pa rin niya ang kamay ko.
Lumipad ang mga paruparo sa tiyan ko.
"Okay." Ngumiti ako. Excited pero kinakabahan.
Nagbukas ang pinto. Paglingon ko, nakita ko si Atty. Limjoco. Pumiglas ang kamay ni Jeremy mula sa pagkakahawak sa akin.
"Oh. Good morning Dianne. Good that you're here." Sabi ni Atty. Limjoco. Umupo siya sa desk niya na katabi ng desk ni Jeremy.
"Tapos mo na yung pinapatype ko sayo? Nadownload mo na yung SEC forms?" Tanong ni Atty. Limjoco.
"Yes sir." Lumapit na ako sa pinto at binuksan ito.
"Nandito ka na lang din, timplahan mo naman ako ng kape. You know how I like it."
Lumabas na ako papunta sa pantry para timplahan ng kape si Atty. Limjoco. Ang mga paruparo sa tiyan ko, hindi pa rin umaalis. Kinikilig ako na kinakabahan din. Papaano kaya magrereact ang mga partners at associates? May mga narinig akong chismis na naging girlfriend ang dating secretary ng ibang mga abogado.... kung girlfriend man ang tawag doon pero walang naging seryoso. Kadalasan pa nga, umaalis ang secretary o umaalis ang abogado.
Dalawa ang opisina ng Paredes, Lim & Go pero mabilis kumalat ang chismis. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin ni Jeremy, at kung ano ang magiging reaction ng mga boss ko tungkol dito.
Isa lang ang alam ko: mabuting tao si Jeremy. Hindi niya ako lolokohin. Ang mga tao nga lang sa paligid namin, hindi namin kontrolado. Kailangan ko ang trabahong ito. Gusto ko si Jeremy.
Hindi ko na talaga alam.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]
General FictionKababata ko si Jeremy. Lumaki kami sa probinsya: sabay nag-aral sa pampublikong paaralan, umakyat ng mga bakod at puno, at nangarap. Lumipas ang maraming taon pero sa tingin ko mahal ko pa rin siya. Matalino si Jeremy. Nakakuha siya ng scholarship...