"Mabuti maaga tayo. Wala pa masyadong tao." Bulong ni Jeremy sa akin pagdating namin sa watch store.
Bata pa lang kami, ayaw na ni Jeremy sa madaming tao. Kahit napakatalino niya, hindi niya gustong nagbibigay ng speech o nagsasalita sa harap ng maraming tao. Tinuruan din niya ako kung kailan mas kaunti ang tao sa grocery:
"Since gabi after work at weekends lang tayo makakapaggrocery, you either go about thirty minutes before the grocery store closes at night during the weekends or punta ka habang kakabukas pa lang sa umaga during weekends."
"Oh. Holy cow. That's a huge discount." Sigaw ni Jeremy habang tinitingnan ang dalawang relo.
"Kunan mo na si tita." Sabi ko.
"Yep. Help me choose." Nilapag ni Jeremy ang dalawang relo at tinuro ang kabilang counter.
"Ito. Simple lang." Tinuro ko ang steel na relo na may light blue mother of pearl dial.
"Susyal ang dating ng mother of pearl at roman numerals. Tamang tama lang din ang laki. Maliit ang kamay ni tita."
Pinakuha ni Jeremy ang isa pang relo na nasa counter.
"How about the red dial one, what do you think?" Hinawakan niya ang isa pang relo na hawig sa una kong hawak.
"Mas gusto ko yung blue. Malamig sa mata." Sabi ko, habang tinititigan ang relo.
"Okay."
Sumenyas si Jeremy sa saleslady.
"Miss, kukunin ko yung dalawa." Tinuro ni Jeremy ang hawak kong relo.
"Teka..." Sabi ko. Hindi ko na natapos ang inisip kong sabihin.
"Favorite ni mama ang red. Yang blue, para sayo. Paadjust mo na din ang bracelet dito."
Hindi na ako naka-imik. Pagkatapos naming manggaling sa Michael Kors, umupo kami at kumuha ng ice cream.
"Akin na 'to." Sabi ko. Sabay abot ng cash sa kahera ng ice cream place.
"Ano ba Dianne. Mas malaki kinikita ko. Itago mo na lang yan." Sabi niya, sabay tapik sa kamay ko at abot sa kahera ng pera niya.
"Jeremy, at least iwanan mo naman ako kahit kaunting pride."
Hindi na siya umimik, at binawi ang kamay niyang nakaabot. Sa totoo lang, masaya akong hinayaan ako ni Jeremy na magbayad para sa ice cream. Matagal na siyang maraming naitutulong sa amin. Lagi akong naghahangad na sana may magawa rin ako para sa kanya, gaano man kaliit. Hinding hindi ko matutumbasan ang lahat ng iyon pero naniniwala ako na sa anumang relasyon: pagkakaibigan o pagkaka-ibigan, hindi maaari na one-sided lang lahat.
"Ay, ang sarap. Try this." Inoffer ni Jeremy ang tasa ng ice cream niya.
"Anong flavor?"
"Chili Chocolate"
"Hindi ako kumakain ng maanghang."
"Just try it!" Kumuha na si Jeremy ng kaunting ice cream sa kutsara niya, at isusubo sa akin.
"Masyado kang mapilit." Kinain ko na lang ang ice cream.
"Diba? Diba? Diba?" Sigaw ni Jeremy sabay halakhak.
Naubo ako sa halong lamig at anghang. Mas lalo siyang tumawa. Nareceive ko ang text ni Mama na tapos na sila sa Museum. Sabay sabay na kaming uuwi.
Marami akong baong alaala.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]
Ficción GeneralKababata ko si Jeremy. Lumaki kami sa probinsya: sabay nag-aral sa pampublikong paaralan, umakyat ng mga bakod at puno, at nangarap. Lumipas ang maraming taon pero sa tingin ko mahal ko pa rin siya. Matalino si Jeremy. Nakakuha siya ng scholarship...