Pagkalabas ko galing sa client meeting, naabutan kong pulang pula si Dianne.
"Dianne, pulang pula ka. What's wrong?"
Biglang tumulo ang mga luha sa mata ni Dianne. Tahimik siyang naiiyak sa reception area.
"Come, take a break... Vanessa! Vanessa! Ikaw muna sa reception area! Dianne and I will take a break!" Tinawag ko ang isa sa mga legal secretary papunta sa reception area at nilabas ko muna si Dianne galing sa opisina.
"Dianne, hinga ka muna. Let's go to the coffee shop nearby. Let's get you a pastry and some iced tea."
Naglakad kami papunta sa coffee shop. Nakakapit sa kaliwang braso ko si Dianne, at nakasandal ang ulo niya dito. Iniwan ko muna si Dianne sa upuan at pumunta ako sa counter para bumili ng pastries at kape.
"What's wrong?" Sabi ko, habang nilalapag ang tray ng pagkain at kape.
"Si Mark..."
"What about him?"
"Nandito siya. Gusto raw niya makita si Amelia." Humikbi si Dianne.
"Wow. The nerve." Sabi ko. Nakailang minuto kaming nakaupo at patikim tikim sa pastry ng tahimik.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Papaano kung bigla niyang sabihin na gusto niyang kunin si Amelia?" Umiiyak pa din si Dianne. Namamaga na ng kaunti ang mga mata niya.
"Stop crying. Hindi naman kayo kinasal 'diba?"
"Hindi. Kahit kailan, hindi namin napag-usapan. Hindi niya naitanong kung gusto kong magpakasal."
"Okay then, wala siyang karapatan. Wala siyang karapatan kunin si Amelia sayo. Ikaw lang ang may parental authority."
"Talaga? Nasa birth certificate ni Amelia, na siya ang tatay. Apelyido din niya ang dala ni Amelia."
"Relax, okay? Hanggang doon lang yun. Hindi kayo kasal. 'Yun ang importante. Kapag hindi kasal ang nanay at tatay ng bata, sa nanay lang ang parental authority regardless kung nakalagay ang pangalan ng tatay sa birth certificate, or dala ng bata ang apelyido nito." Sabi ko.
Muling kumapit si Dianne sa braso ko at isinandal ang ulo niya sa akin. Nagluluksa siya, at natatakot sa kung ano man ang pwedeng gawin ni Mark, ang lalaking dating nanakit sa kanya at sa kanyang anak. Isang malaking kabalintunaan pero masaya ako. Masaya ako na kasama ko si Dianne ngayon. Masaya akong malakas ang kapit niya sa braso ko, at nakasandal siya sa akin. Hindi ko alam... Mali ata na natutuwa pa ako kahit na alam kong may pinagdadaanan siya ngayon.
Mali...Mali... Hindi ako masaya dahil may pinagdadaanan si Dianne. Mahal ko na si Amelia. Hinding hindi ko hahayaan na kunin na lang basta-basta ni Mark ang inaanak ko. For what it's worth, magandang buhay na ang mayroon sila ngayon... kami.
Masaya ako, na sa pinagdadaanan ni Dianne, ako ang sinasandalan niya ngayon. Saakin siya nakakapit, saakin siya nakasandal. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan kung ano man ang mayroon kami.
Nakikita ko, masaya naman si Dianne kahit papaano. Gagawin ko ang lahat... gagawin ko ang lahat para sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]
Tiểu Thuyết ChungKababata ko si Jeremy. Lumaki kami sa probinsya: sabay nag-aral sa pampublikong paaralan, umakyat ng mga bakod at puno, at nangarap. Lumipas ang maraming taon pero sa tingin ko mahal ko pa rin siya. Matalino si Jeremy. Nakakuha siya ng scholarship...