I was over the moon when Willa kissed me. Parang nalusaw lahat ng paniniwala ko sa mundo. Is it all a dream? She pulled back. I smiled. I kissed her back. My dream girl is now my girlfriend. Would you believe that?
Parang gusto ko na lang tumigil ang oras. Doon lang kami ni Willa sa U.P., magtititigan. Madami na akong naging academic achievements, pero this is probably one of the biggest dreams come true. Willa, I mean... Willa... seriously? Ako na ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo.
Matagal na sumasagi sa isip ko kung bakit bigla kaming naging close ni Willa, bakit siya napupunta ng Diliman, kahit malayo... bakit niya ako pinaglalaanan ng oras? Kaklase lang naman niya ako noong high school. Naisip kong baka may hinihintay siya, pero pinagdasal ko na sana huwag na lang siya magtanong. Anong isasagot ko? Matagal ko na siyang gusto, pero wala akong pera. Hindi ko nga sigurado kung makakapag-law school ako. Ang tumal ng pera para kay mama. Ang scholarship na tinanggap ko mula sa Lucky Pigeon Foundation, para sa college lang. Hindi ko alam kung kaya akong dalhin ng pangarap ko dahil sa huli, pera at pera lang din lahat.
Mabuti na lang, matalino si Willa... at sa kanyang pagtatanong, I realized na hindi importante ang pera para sa kanya. Pero may problema pa rin, si mama at ang mga magulang ni Willa.
"Ha, anak? Girlfriend mo na kamo yung anak ni Mayor?" Sigaw ni mama sa cellphone, pagkatapos kong sabihin na girlfriend ko na si Willa.
"Opo mama."
"Kailan pa?"
"Kanina lang po."
"Anak, aral muna. Wala rin tayong pera."
"Nag-aaral naman ako 'ma. Malaki na ako. Huwag kang mag-aalala. Hindi ka muna magkaka-apo."
"Ay sus, ginoo... por dios por santo... "
"Joke lang nga mama. Promise, walang mangyayaring masama."
"Ingat ka, anak."
Dama ko ang pag-aalala ni mama. Mabuti naman akong anak. Wala akong pagpapasaway na ginawa. Lahat din ng bagay na ginagawa ko inuupdate ko si mama... Well, aside from the fact na nagkikita kami ni Willa halos every week except kung may exams...Oo nga pala noh... hindi ko na sinasabi lahat kay mama lahat ngayon.
"Babe, wag muna natin sabihin kay mommy and daddy... please?" Bungad ni Willa, noong sinuggest kong pagpakilala sa mga magulang niya.
"Bakit? Kinakahiya mo ba ako? Willa, remember, ginusto mo rin ito!" Uminit ang ulo ko. One day, naging girlfriend ko ang dream girl ko. Another one, biglang ayaw niya akong ipakilala sa magulang niya.
"I know. I know. Hindi sa ayaw kitang ipakilala... pero after what happened with Todd, nakakahiya sa mga parents ko. Alam ko naman wala silang masasabi tungkol sayo. They know you. They know your mom. Walang bahid ng dungis ang reputation mo."
"Willa, alam ko naman na maayos ang academic credentials ko at wala akong history ng bisyo pero alalahanin mo, mahirap lang kami...lumaki ako ng walang tatay." At bigla na lang bumuhos lahat ng insecurities ko. Naluluha ako habang nagsasalita. Ang sakit sakit ng pakiramdam na ikinakahiya.
"Jeremy, after law school, ok?"
"Hindi ko nga alam kung makakapag-law school ako eh! Ang scholarship ko sa Lucky Pigeon, hanggang college lang!"
"Jeremy, niresearch ko na yan. They offer scholarships for Law School and Medicine too. Kailangan mo lang ifulfill yung requirements nila. Mas mataas pa nga yung allowance nila for that eh."
"What if hindi ako makuha?"
"Nagsalita ang high school valedictorian at running for magna cum laude."
"You still don't know." Nagpaalam na ako at pumasok sa dorm room ko, daladala pa rin ang bigat ng isang taong walang-wala.
Grumaduate kami ni Willa, at nagtake ng law school entrance exam. Pareho kaming nakapasok sa U.P. law. Hindi ko alam kung bakit parang napakadali lang...tinanggap agad ako ng Lucky Pigeon Foundation bilang scholar ulit sa law school. Marami namang nag-apply na may Latin Honors. Sabi nila, scholar na rin daw nila ako noong college at kilala na daw nila ako, hindi pa rin ako makapaniwala.
"Jeremy, nice to meet you. I understand you were our college scholar, and now a law school scholar?" Pagpapakilala ni Atty. Lim sa akin, isa siya sa mga Trustees ng Lucky Pigeon Foundation.
"Opo sir." Yun lang ang nasabi ko. Nahihiya pa rin akong maintroduce kay Atty. Lim, alumnus din siya ng U.P. Law, at partner sa Paredes, Lim, & Go Law Offices.
"Be good. Don't get into trouble. Otherwise, I know that you know what U.P. Law entails." Nagpaalam na din si Atty. Lim agad. Hindi pa rin ako makapaniwala sa swerte ko.
Sa U.P. law ko naranasang bumagsak sa exams at recitation kahit wala na akong ginawa kahit mag-aral. Sa mga pagkakataong natatakot akong bumagsak, napapaupo ako sa recitation, at mga araw na nawawala ang paniniwala ko sa sarili ko, nandiyan si Willa. May nagyayayang fraternity na isali ako, sa takot kong mabugbog at madawit ang pangalan sa kung anong eskandalo, madali lang umayaw. Ang pinakamasaklap na ayaw kong mangyari, matanggalan ako ng scholarship. Hindi ako kayang pag-aralin ni mama ng law. Sumali si Willa sa sorority. Sa totoo lang, hindi ko sana gustong sumali siya kaso naniniwala ako na siya dapat ang magdesisyon para sa sarili niya. Grumaduate din kami pagkatapos ng apat na taon, pareho kaming honors.
Dumating ang bar exam, natulungan ako ng sorority ni Willa. Sagot ng sorority ang kalahati ng bayad sa hotel ng mga members nila for bar operations.* Lahat rin ng reviewers at tips na available sa sorority nila, nakakuha ako. Boyfriend's privilege, sabi nila, hindi bale na kung barbarian** ako. Masaya naman daw si Willa sa akin, tumutulong naman daw ako sa mga younger sisters nila sa academics noong estudyante pa ako, at honor naman sa sorority kapag kasama ako sa mga pumasa.
The following January, nag-apply kami ni Willa ng trabaho sa Paredes, Lim, & Go Law Office sa Makati. Pareho kaming natanggap bilang Legal Assistants. Tataas ang sahod namin, at magiging Junior Associates kami pagkapasa namin ng bar examinations. Hindi pa kami abogado, sangkatutak ng pleadings, protests at iba pang legal documents ang ginagawa namin ni Willa. Pinapasabay rin kami sa mga abogado na pumunta ng hearing, magsubmit at mag-follow up sa BIR.
May 3: lalabas ang resulta ng bar exams. Inabot ako ng hiya. Kapag bumagsak ako, kailangan kong magresign sa law office. Magbabar review ako ulit. Balik ako sa pagiging pabigat. Sa kaunting ipon ko sa apat na buwan ng pagtatrabaho, may kaunti na akong panggastos. Nagleave kami ni Willa sa trabaho for May 3. The night before, pumunta kami ni Willa sa isang pub na may unli-Margaritas.
"Jeremy, Since pupunta naman si Mama and Papa tomorrow, ipapakilala na kita."
"Eh diba, kilala na nila ako? Paano pala kung hindi ako pumasa?"
"Ano ka ba...Papasa ka. Ako yung kaduda-duda kung papasa."
Uminom lang kami hanggang gabi ni Willa. Naka-pitong refill ata siya. Yung usapan, mag-uuber kami ng hiwalay pauwi. Siya, sa condo niya, ako sa inuupahan kong kwarto. Hindi na nasunod yun. Nawalan ng malay si Willa. Nagising siya pagdala ko sa kanya sa sasakyan, pagbaba at paakyat namin sa condo niya, pero bumabalik din siya sa tulog. Buti na lang hindi siya nagsuka.
"Jeremy, stay here..." Sabi niya, pagdating namin sa unit niya.
Hindi ko nga siya iniwan. Inihiga ko na siya sa kama niya, naligo ako, sinuot ulit ang damit ko kanina, at natulog sa couch. Pagdating ng alas siyete, bumili ako ng beef noodle soup at nagtimpla ng kape. Sabay kaming nag-agahan ni Willa. Mga alas-nuwebe, nagpaalam na ako, ng biglang may nag-doorbell: ang nanay at tatay ni Willa.
*Yung ibang schools at affiliations, nagbibigay ng libreng tips, last minute reviewers, at mayroong hotline for questions kapag night before the bar examinations. Para mas madali, ichecheck in yung mga bar examinees from Saturday afternoon or evening to Sunday morning.
**Barbarian ang tawag sa walang sorority or fraternity.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]
General FictionKababata ko si Jeremy. Lumaki kami sa probinsya: sabay nag-aral sa pampublikong paaralan, umakyat ng mga bakod at puno, at nangarap. Lumipas ang maraming taon pero sa tingin ko mahal ko pa rin siya. Matalino si Jeremy. Nakakuha siya ng scholarship...