Chapter 28: Kapag Pinagsama ang Trabaho at Pag-ibig (Dianne)

3.3K 74 0
                                    

Lunes, pagkatapos ng renewal of vows nila Atty. Paredes at Mrs. Paredes, naglakad ako papuntang opisina. 8:00 ang call time naming mga staff at and mga abogado, usually may flexible time basta't maabot nila ang quota ng number of hours nila buwan buwan, at hindi sila malate sa lawyers' meetings at meetings with client. Madalas, sabay kami ni uncle pumunta ng opisina. Naglilinis ang mga paralegal at secretary bago dumating ang mga abogado pero ngayon, inutusan siya ni Atty. Limjoco para bumili ng sandwich at salad.

"Ano ba yan, Rita, last week ko pa binigay yan sayo ah? Hindi mo pa tapos? Punyeta naman!" Sigaw ni Atty. Limjoco. 8:14 pa lang sa umaga.

"Sorry sir. Tatapusin ko na ngayon."

"Dapat lang. Punyeta. Laro ka lang ng laro ng games at chat ng chat sa foreigner diyan sa computer mo Hoy, hindi ka pakakasalan 'non! Gising gising if you want to keep your job. Binabayaran ka dito." Sinara ni Atty. Limjoco ang pinto ng malakas. Mag-isa pa lang siya sa office room kung saan katabi ng desk niya ang desk ni Jeremy.

Pumunta ako kay Rita. Naluluha na siya.

"Rita, tulungan na kita. Ano bang pinapagawa sayo?" Hinawakan ko ang braso niya.

"Isa ka pa! Isa ka pa, Dianne! Kailangan mo bang ipamukha sa amin na boss ka na rin? Hindi ka masisigawan ng ganito kasi shinota mo na ang boss! Kung maganda lang ako, hindi ako tatratuhin ng ganito!" Umalis siya sa kinauupuan at dumeretso sa CR.

Huminga ako ng malalim at dumeretso sa desk ko. Alam na nga ng lahat. 

"Dianne, come here." Sabi ni Atty. Limjoco pagkatapos niyang magbukas ng pinto.

"Timplahan mo ako ng kape. You know how I like it. Tulungan mo na si Rita doon sa documents. I need that by 2:00 today. Understood? By the way, walang magbabago dito. Wala akong pakialam kung siyota mo si Jeremy. Uutusan pa rin kita." Sinara niya ulit ng malakas ang pinto. Bad mood na bad mood si Atty. Limjoco.

Nagtimpla ako ng kape at dinala ito sa office room ni Atty. Limjoco. Halos alas-nuwebe na rin. Wala pa sa opisina si Jeremy.

Pumunta ako sa desk ni Rita at tiningnan ang bulto-bultong dokumento. 

"Anong ginagawa mo? Huwag ka na ngang makialam!" Sigaw ni Rita.

"Rita, sabi ni Atty. Limjoco, tulungan daw kita. Mapapagalitan din ako kapag hindi kita tinulungan." Sabi ko. Pinipigilan ko na ring umiyak.

"Hindi ka pagagalitan. Sinesex mo yung boss. Iba nga naman kapag maganda."

Kinuha ko ang kalahati ng mga dokumento at nilagay sa desk ko. Dumeretso na lang ako sa CR para umiyak. Mga fifteen minutes din siguro ako doon. Pinunasan ko ang mukha ko at nagreapply ng makeup. Kailangan kong huminahon at gawin ang trabaho ko. Kailangan ko ang trabahong ito.

Mga alas onse na ng dumating si Jeremy sa opisina. Iniwasan ko siya at iniwasan kong magpakita ng emosyon. Pagdating ng alas sais, nagpaalam na ako sa mga abogado at sumabay palabas sa mga sekretarya at paralegal.

"Hello?" Sagot ko. Tumawag si Willa.

"Wow. I didn't know you would ever be together. Congratulations." Sabi niya.

"Thank you."

"Talaga? You think I'm happy for you? I didn't imagine you would ever have the lack of decency para pumatol kay Jeremy. I guess you're just one of those people who would do everything to get ahead. I'm disappointed in you, Dianne." Tumaas ang tono ng boses niya.

"Hindi ko naging boyfriend si Jeremy para samantalahin ang posisyon niya. Ikaw din naman, naging boyfriend mo ang isang named partner. Mas malala ka." 

Binagsak ko ang telepono. Ang hirap talaga ng sitwasyon namin. Oo nga naman, tinulungan ako ni Jeremy para makuha ang trabahong ito. Nakakaangat ang posisyon niya sa akin. Doble nga ata ang kinikita niya sa sahod ko. Hindi ako nagtatanong. Oo, tumatanggap ako kung ano man ang kusang binibigay sa amin ni Jeremy, masama ba yun? Ilang taon ko din naman siyang naging kaibigan, at sa panahong iyon, sa mata naming dalawa, pantay lang kami.

Iba na ang sitwasyon ngayon pero kailangan ko ang trabahong ito. Gusto kong buo ang pamilya ko. Kakayanin ko ito.



My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon