Since we passed the bar, ang cold na ni Willa sa akin. May mga oras na hindi siya nagrereply sa chat or sa texts ko at all. Sa tingin ko, dahil ito sa incident na nakasalubong ko parents niya sa condo nila. May sinabi kaya si Governor or si ma'am? Ayaw kaya nila na pumupunta ako sa condo ni Willa? Sinabi na kaya ni Willa na kami na? Hindi ako mapakali, pero hindi ko rin siya matanong ng diretso. For one, hindi nga siya sumasagot masyado sa mga messages ko. Two months na kaming ganito. Sa mga junior associates, isa ako sa mga nagiging favorite ni Atty. Lim at Atty. Dela Cruz for litigation. Si Willa naman, puro tax work ang napapagawa sa kanya. Wait... parang si Willa lang ang laging tinatawag ni Atty. Go. Lagi rin silang nagsasama after office hours. Gets ko naman, work is work pero I can't help but worry. I have to confront Willa.
"Willa, let's talk." Hinawakan ko si Willa sa braso, bago maglunch break.
"I have a lunch meeting. Can we talk later?" Hinawi ni Willa ang kamay ko sa braso niya.
"I checked with Emma, you have no meetings or appointments today," Sabi ko. Si Emma ang secretary na may alam ng mga appointments namin.
"It's with Atty. Go."
Hindi na rin ako umimik. Kahit isang beses pa lang may binigay na work sa akin si Atty. Go, partner pa rin siya sa firm. Boss ko pa rin siya. Ano nga ba naman ang laban ng isang hamak na bagong abogado sa senior partner? Ano ba... Jeremy! Baka guni-guni mo lang ito. The only way to really know what's going on is to ask my girlfriend about it. Our relationship is based on friendship: honesty and trust. Nothing is happening...nothing will happen. I'll work on my pleadings and wait for her. Baka pwede pa kami magcoffee when we finish.
9:00 p.m.
Kakatapos ko lang ng pleading na ifafile ko sa Tuesday. Hindi ko naman talaga kailangan mag-overtime pero useful maging maaga. Baka may bagong work na i-assign sa akin, bagong learning experience na din. Tinawag ni Atty. Go si Willa. Two office rooms away lang kami ni Willa, nakatatlong daan na ako sa cubicle niya at hindi pa rin siya bumabalik. If my watch is correct, isa't kalahating oras na sila nasa office room ni sir. Kakauwi lang ng huling associate. Parang kaming tatlo na lang ang nasa office.
Bakit ang tagal nila? It's Friday night. For the first time, in a long time. Nagagalit ako. I froze. Pero kung wala akong gagawin, mananatili akong walang alam. Nagtago ako at sumilip sa maliliit na pagitan sa blinds ng office ni Atty. Go. What I saw, couldn't be unseen. How can I be this blind all along?
I see her so passionate, that I have only seen at the beginning of our relationship and not in the last seven years that we were together.
He is kissing her. He is touching the parts of her that I only wish I'd be the only one who should touch. I don't know what to do.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]
Tiểu Thuyết ChungKababata ko si Jeremy. Lumaki kami sa probinsya: sabay nag-aral sa pampublikong paaralan, umakyat ng mga bakod at puno, at nangarap. Lumipas ang maraming taon pero sa tingin ko mahal ko pa rin siya. Matalino si Jeremy. Nakakuha siya ng scholarship...