Anim na taon pagkatapos ng incident sa balcony.
So, ganoon na nga ang ending. Naging si Jeremy at Willa. Bagay naman, matalino at mayaman si Willa, hindi hamak na wala akong laban. Hindi ko na nalaman kung ano man ang problema ni Willa, at kung bakit umiyak siya kay Jeremy sa araw mismo ng party na inorganize niya, pero magandang strategy nga. Sila pa rin ni Jeremy ngayon. Masaya ako na natupad ang mga pangarap ni Jeremy, naging girlfriend niya ang dream girl niya pero nangibabaw ang pagkalungkot ko... pagka-awa na rin sa sarili.
Totoo, out of my league si Jeremy.
Nag-uusap pa rin naman kami ni Jeremy. Text text. Social Media. Lagi rin akong updated sa nangyayari sa kanila ni Willa dahil na din siguro sa hilig ni Willa magpost. Mula sa pagpunta nila sa Enchaned Kingdom, sa pag-out of town nila sa Tagaytay, sa pagpinta nila at pag-inom ng wine sa Sip & Gogh, tinitingnan ko lahat. Sabay rin silang nakapasok sa UP law. Magkablock pa sila.
Text exchange ni Jeremy at Dianne:
Dianne, kamusta na? Balita ko, kakapanganak mo lang. Ikaw naman, 'di ka nagsasabi.
Oo, Jeremy. Gusto mo bang mag-ninong?
Hindi ako tatanggi. Haha. Pero, saka na yung regalo ha? Pag-abogado na ako.
Madami nang nangyari. Kahit na may kaunting kirot pa rin bawat tingin ko sa mga malalagkit na tinginan ni Jeremy at Willa sa pictures nila, kailangan ko mag-move on.
At nag move-on nga ako. Matagal ko nang kakilala si Mark, pinsan ni Shiela. Ahead siya sa amin ng dalawang taon noong high school. Dito rin siya sa probinsya nagcollege. Ilang beses ko na binasted si Mark. Humanga ako sa pagpupursige niya. Alam niyang si Jeremy talaga ang gusto ko (hindi talaga magaling magtago ng sikreto si Shiela), sinubukan pa rin niya ng sinubukan. Sa tingin ko naman, mahal talaga ako ni Mark.
Nabigla ako noong nalaman kong buntis ako. Papaano ko sasabihin kila Mama at Uncle?
"O, ayan.. malaki ka na. Alam mo na ang gagawin mo." Yan lang ang sabi ni Mama sa akin.
Tamang tama, kakapasa ko lang din ng teacher's board exam at na-assign ako sa baranggay, mga dalawang oras ang biyahe mula sa amin. Hindi na rin masama ang nangyari sa akin. Nakapagtapos ako, at kaya ko namang buhayin ang anak ko sa tulong ng pamilya ko at pamilya ni Mark.
Itinaon kong bakasyon sa binyag ng baby ko. Pinangalanan ko siyang Amelia. Kamukha ko siya. Sana lang ay mabigyan ko siya ng magandang buhay. Kung pwede lang, ibibigay ko ang mundo ko sa kanya. Dumating si Jeremy at Willa sa binyag, at sa kaunting handa sa hapon.
"Ang hirap ng law school, Dianne. Parang pakiramdam ko araw araw akong kakatayin." Pabiro na sabi ni Jeremy.
"Ah sus, nagsalita...Sa talino mong yan, sigurado namang magiging abogado ka."
"Oo magiging abogado. It's not a question of will I? It's a question of where, and when." Sabi ni Jeremy.
"Tigilan mo nga yang rhetorics mo, babe. Dean's list ka naman, e." Dagdag ni Willa.
"You never know. Baka mag-iba ihip ng hangin."
"Babe, I'm always here no matter what. Magiging abogado tayo pareho. Ok?"
Umalis na ako para kausapin ang ibang bisita. Alam ko, wala akong karapatan pero masakit pa rin. Kung pinilit ko kayang hindi kami pumunta ni Jeremy sa party, naging sila kaya ni Willa? Siguro wala rin si baby Amelia ngayon. Scratch that. Mabuti na lang din siguro na naging sila. Hindi ako masyadong umasa, at higit sa lahat: nandito si Amelia, ang pinakamagandang regalo sa akin.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]
General FictionKababata ko si Jeremy. Lumaki kami sa probinsya: sabay nag-aral sa pampublikong paaralan, umakyat ng mga bakod at puno, at nangarap. Lumipas ang maraming taon pero sa tingin ko mahal ko pa rin siya. Matalino si Jeremy. Nakakuha siya ng scholarship...