"Premium gasoline."
Nilabas ko ang sasakyan na halos weekend ko lang dinadrive to go to Alabang. Jeremy agreed to appear with me in the Court of Tax Appeals case. Hindi na ako nagulat. Jeremy has always been really helpful kahit noong high school. He helps kahit walang kapalit and there is nothing in it for him. Ngayon, sabay naming aaralin ang isang kaso sa korte na hindi pa namin nasusubukan mag-appear in.
"Hello. Willa Gatmaitan?" Sambit ng isang gasoline boy.
"Yes? Why do you know my name?" Tanong ko.
"Tatay mo governor." Ngumiti ang gasoline boy.
"Taga-doon ka sa amin? Bakit ka nasa Alabang?" I asked. Sa totoo lang, gusto ko nang magmadali papunta sa Alabang office.
"Start zero na ma'am. Full tank ba natin?"
"No. Two thousand lang."
"Nandito asawa ko."
"Ohhh. Alright." Sabi ko. Sa totoo lang, marami pang sasakyan ang naghihintay sa ibang lane. Kinakabahan ako sa attention ng gasoline boy na 'to. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya.
"Kilala mo siya. Kaklase mo noong high school: si Dianne Teodoro."
"Aaaaah. Kasal kayo?"
"Hindi. Nagsama kami. Pakakasalan ko sana kung hindi ako iniwan. Kinuha pa anak namin."
"What's your name?"
"Mark. Mark Reyes. Nag-zuzumba ang nanay ko sa umaga doon sa atin. Program ata ng tatay mo 'yon"
"Nakita mo na ba siya dito? Nakita mo na ba yung anak mo?" Tanong ko. This is really becoming interesting. Nandito ang tatay ng anak ni Dianne. Sana mapa-isip si Jeremy sa pinapasok niya.
"Si Dianne lang, sa trabaho niya. Hindi niya sinasabi kung saan sila nakatira pero ang alam ko, nandito lang din sa Alabang."
"Pwede ka ba muna umalis?" Itinuro ko ang katabing convenience store ng gasoline station at kinausap si Mark.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Hi Willa." Bati sa akin ni Jerold pagdating ko sa conference room ng Alabang Office.
"Hello Jerold. I'm waiting for Jeremy."
"Ohh. Are you here to reclaim your territory?" Kumindat siya sa akin.
"Whatever."
"Well surely, if you and Atty. Go are over, why come back to an old flame? I'm just saying... there could be a new one. I'm great in bed. Just putting it out there." Kumindat siya ulit.
"Ugh. Not interested. Sorry."
Buti na lang, walang ganito kagarapal sa Makati office. I can't handle being treated this way everyday. I kept my composure and waited for Jeremy to arrive.
"Hello Willa. Sorry. Hearing in Calamba." Umupo siya sa harap ko sa conference table.
Nagsimula kaming magdiscuss about the case. Nabasa na niya ang mga inemail ko sa kanya, including ang buong Rules of Court ng Court of Tax Appeals despite the fact that he also had a more immediate hearing to prepare for. If there is anything, mas lalo akong humanga kay Jeremy. Kayang kaya niya talaga mag-multitask.
I just want to hold his hand. Pretty soon, I should be able to. Sana mag-work ang pinaplano ko...
BINABASA MO ANG
My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]
General FictionKababata ko si Jeremy. Lumaki kami sa probinsya: sabay nag-aral sa pampublikong paaralan, umakyat ng mga bakod at puno, at nangarap. Lumipas ang maraming taon pero sa tingin ko mahal ko pa rin siya. Matalino si Jeremy. Nakakuha siya ng scholarship...