Chapter 19: Not all in the Past (Dianne)

3.5K 75 0
                                    

Wala na akong mairereklamo pa sa buhay. Lumipat kami sa Metro Manila mula sa pinanggalingan naming probinsya. Minsan nakakalungkot isipin ang mga nangyari, at ang mga kaibigan kong napilitan akong iwan pero siguro ganoon talaga ang buhay. Kailangan lang talagang maglakad ng maglakad papunta sa patutunguhan. Hindi maaaring maghintay lang sa wala o hindi kaya ay ma-ipit sa mga nakalipas na kahit anong gawin ay hinding hindi na rin naman mababalikan.

Kuntento na ako. Hindi naman malalaki ang pangarap ko para sa sarili ko. Pinangarap ko maging teacher, oo pero hindi na rin masama ang pagiging secretary. Nakatapos rin ako ng pag-aaral. Kahit papaano, maayos na buhay ang mabibigay ko kay Amelia. Ang isang bagay lang siguro na pinagsisisihan ko, ay hindi mararanasan ni Amelia ang lumaki kasama ang totoo niyang ama. Pagsisisi nga ba? Kung ano ang kulang, sa tingin ko napupunuan naman namin.

Nandito ako, si mama, si uncle, at ngayon, si Jeremy. Napakabuti ng mundo sa amin. Wala na akong mahihiling pa. Sana ganito na lang palagi pero ganoon ata talaga... ang tanging hindi nagbabago sa mundo, ay ang laging mayroong pagbabago...

"Hello. Good morning."

May kausap ako sa telepono sa receiving area at nagtatake ng notes noong narinig ko ang boses na iyon. Pamilyar. Lumingon ako sa direksyon ng nagsabi.

"Mark..." Lahat ng prinaktis kong sabihin, kung sakaling magkita kami ulit ng ama ng aking anak, naglaho lahat. Gusto kong sabihin na wala siyang karapatan puntahan ako sa trabaho ko, na may sarili na kaming buhay ni Amelia at huwag na huwag na niyang guguluhin pa... kung gaano niya ako sinaktan noon... Pero wala akong nasabi. Nanikip ang dibdib ko.

"Nahanap ko rin kayo." Tumitig siya ng matagal sa akin, para bang gusto niyang iparating na hinding hindi kami makakawala sa kanya.

"Anong?...." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"Gusto ko lang makita si Amelia. Nakahanap ako ng trabaho, sa gas station. May matitirahan na rin ako."

"Alam mo kung bakit kami umalis. Pwede ba, umalis ka na? Nagtatrabaho ako!" Tumaas ang boses ko. Unang beses kong nakapagtaas ng boses sa opisina. Ang mga paralegal na nasa likod ng reception area, natigil ang pag-uusap.

"Magkikita tayo ulit." Sabi ni Mark ng pabulong, para bang nagbabanta.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko pagkatalikod niya at labas sa opisina. Tatlong paralegal ang lumapit para kamustahin ako. Hindi pa rin ako makapagsalita. Si uncle, may filing. Tiyak makakarating kay uncle ang nangyari. Gusto kong kausapin si Jeremy, umiyak sa mga balikat niya pero may client meeting siya sa conference room.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas si Jeremy kasama ang client niya.

"Alright, Mr. Reymundo let's keep in touch. Email niyo po ako for other concerns or if you need another appointment po."

"See you Attorney."

Pagkalabas ng client, lumingon si Jeremy sa akin sa reception area.

"Dianne, pulang pula ka. What's wrong?"

Alam ko, unprofessional pero... hindi ko napigilang umiyak.

My Boss, My Lawyer, My Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon