Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin handa akong isakripisyo ang sariling kaligayahan makita kalang masaya. Handa akong tiisin ang sakit sa bawat pagkakataong makikita kitang masaya sa piling ng iba at hindi sa piling ko. Hindi mo man batid ang sinasabi kong "I LOVE YOU", handa akong pakinggan ang "I LOVE YOU TOO" mo. I love you too na hindi para sa akin kundi para sa iba. Dahil kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin handa akong magpakahanda at sana kayanin ko.
Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin matatag ako. Matatag akong pigilan ang mga luhang naglalaro at nagsisisitakbuhan sa aking pisngi mula sa matang humahapdi.Matatag kong paninindiganang salitang matatag ako kahit sa likod nito ay para bang sumusuko na. Matatag ako dahil mahal kita at mananatili akong matatag upang ilaan ko ang pagmamahal ko sa iyo kahit na ang pagmamahal mo na labis kong asam-asam ay nakalaan na sa iba. Dahil Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin matatag akong magpakatatag at sana kayanin ko.
Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin kakayanin ko na intindihin ka na mahirap intindihin.Kakayanin kong intindihin kung bakit hindi mo maintindihang mahal kita, kung bakit hindi mo maintindihang mahalin ako. Kakayanin kong intindihin ang aking sarili kung bakit hindi ko maintindihan ang salitang "pagsuko" kahit sobtang hirap na. Kakayanin kong intindihin kung bakit yung taong mahal ko ay hindi ako mahal. Ang lungkot isiping hindi kita malapitan, mahawakan o makausap man lang. Pero mas mahirap isiping ikaw ang buhay ko, ngunit basura lang ako sa buhay mo. Dahil Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin kakayanin kong intindihin ang hindi maintindihan at sana kayanin ko.
Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin maghihintay ako hanggang sa magbago ang ihip ng hangin kahit alam kong imposible. Maghihintay ako sa kabila ng katotohang may hihintayin ngaba ako. Dahil Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin maghihintay ako at sana kayanin ko.
Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin sayo lang ako. Alam mo marami ang nabubuhay ng masaya dahil sa salitang "MAHAL KITA", pero mas marami ang lumuluha dahil sa salitang yun. Bakit? Kasi mas marami ang bibig na sinungaling kesa sa pusong mapagmahal. Huwag kang mag-alala sayo lang ako at ang bibig ko ay totoo nang sabihin kong mahal kita ehh ako mahal mo kaya? Sayo lang ako at sana nga sakin ka. Dahil Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin sayo lang ako ako kahit na hindi mo ako pinahinuntulutang maging sayo.
Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin ikaw lang ang iibigin hanggang sa huling tibok nitong puso at sa huling ngiti nitong labi, huling tanaw nitong mata at sana sa aking huling hininga ay marinig ko ang "I LOVE YOU TOO" mo, I love you too na hindi na para sa iba kundi para na sa akin total magiging malaya ka ulit dahil lilipas rin ako. Ikaw lang ang mamahalin hanggang sa matapos ang kailanman. Dahil Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin merong ikaw sa puso ko kahit na walang ako para sa iyo. Merong ikaw, walang ako at sana kayanin ko.
Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin kakayanin ko ang bitawan ka. Ayokong maging hadlang sa kagustuhan ng iyong puso. Ano ba naman ang karapatan kong panghawakan ka?kung akoy isang hamak na taong hindi mo batid. Ang hirap pag walang karapatan. Bibitawan kita dahil yun ang dapat. Dahil Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin bibitawan kita dahil ganun naman talaga ang pagmahal mo ang isang tao, marunong kang magparaya at sana kayanin ko.
Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin mahal kita. Mahal kita sa kabila ng hirap, luha, nang sakripisyo at nang sakit. Mahal kita kahit na masakit dahil ang sakit na aking nadrama ay ang patunay na mahal kita. Dahil Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin mamahalin kita hanggang kaya pa at hindi ko sasabihin na sana kayanin ko dahil ang gusto kong sabihin ay sana mahalin mo na ako.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
ПоэзияLove heals, love hurts. Masakit ngunit hinahanap-hanap. Ang tanong, Until when? Hanggang kailan maninindigan sa ngalan ng pag-ibig o hanggang kailan masasabing tama na?