Kung ako na lang sana ang iyong minahal, hindi kana sana iiyak pa, hindi kana sana masasaktan pa at mas lalong hindi kana sana mahihirapan pa. Meron sanang isang taong handa kang unawain kahit maling mali ka sa anumang bagay, yung taong handang magsakripisyo sa taong mahal nya, ngnit masakit ang katotohang sinayang mulang ang tulad ko.
Kung ako na lang sana ang iyong minahal, hindi kana sana mangangailangan pang itago ang sakit ng iniwan. Hindi mo na sana kailangan pang lumuha o kaya ang magdusa pa.
Kung ako na lang sana. Subalit hindi mo ako nagawang mahali o ang oahalagahan man lang. Mas pinili mo sya kahit alam mong hindi dapat. Ngunit sa kabila ng lahat ay natuto akong maghintay na baka pwede pa, na baka magising ka sa katotohanang ako talaga ang mahal mo kaya sobra akong nasaktan nang ginawa mo akong rason kung bakit hindi ka nya nagawang mahalin. Hinintay kita. Tiniis kita. Minahal kita kahit hindi dapat. Nagpakatanga ako at nagpabulag sa akalng magising ka subalit ako ay iyong tinaboy lamang at binaboy pa. Pinahiya mo ako at sinabing ang kapal ng mukha kong mahalin ka dahil para sa iyo hindi ako nararapat na magmahal sayo. Wala akong nagawa ng sandaling iyon kundi ang tumalikod na lamang, humakbang habang hindi magkamayaw ang aking mga luha sa pagpatak.
Naging tapat ako sa pagmamahal. Nagpaalila sa ngalan ng pag-ibig. Ang pag-ibig nga madalas ay masakit at hindi ko alam kung magiging masaya ba ako ngayong nagdurusa ka na. Kahit kailan hindi ka nya nagawang mahalin. Kung ako na lang sana ang iyong minahal, hindi kana sana magsisisis pa. KAso pagmamahal ko sayo ay naglaho na, TUNAW NA.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoezjaLove heals, love hurts. Masakit ngunit hinahanap-hanap. Ang tanong, Until when? Hanggang kailan maninindigan sa ngalan ng pag-ibig o hanggang kailan masasabing tama na?