Dapat Pa Ba O Dapat na?

20 2 0
                                    

Nandito parin ako kahit ayaw mo na. Nandito parin ako kahit wala ka na. Nandito parin ako kahit pinagsawaan mo na. Nandito parin ako kahit lumuluha na. Nandito parin ako kahit bumitaw kana sa tayo. Nandito parin ako kahit nandyan na sya. Oo nandito parin ako dahil mahal pa rin kita at nandito parin ako sa paulit ulit na dahilan.

Pero hindi ko alam kung dapat pa ba akong nandito o mas dapat na lumayo na. Dapat pa bang magpalunod sa akalang bukas makalawa akin ka ulit o mas dapat na lumangoy sa katotohanang ikaw at ako, TAPOS NA!?Dapat pa bang lokohin ang sarili o mas dapat na maniwala na ikaw at ako , wala nang magiging TAYO? Dapat pa bang umasa na pwede pa o mas dapat na ngayon pa lang bumitaw na?

Dapat pa bang mahalin ka o dapat na sumuko na? Kasi hirap na akong masaktan sa paulit-ulit na dahilan. Pagod na akong umasa sa pagmamahal mong hindi mo maibigay-bigay. Pagod na pagod na akong humiling sa isang hiling na hanggang hiling na lamang. Sawang-sawa na ako sa pagiging tanga, sa kaaasang may magbabago pa, sa paniniwalang babalik ka pa.

Psgod na ako, sawa na ako, hirap na ako. Tama na sa kasasabing dapat pa ba kitang mahalin kasi dapat hindi na.

Spoken  Word  PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon