Salamangka

15 2 0
                                    

"Magmasid at maniwala. Magmasid at iyong makikita. Ang pag-ibig ay isang salamangka."

Binuhay ko ang akng sarili na ang buhay ay mas binigyang buhay ng pag-ibig. Pero mas nabhay ako na ang buhay ay puno ng pasakit. Nabuhay ako na ang buhay ay puno ng salamangka. Papaniwalain ka sa isang bagay na hindi totoo. Pinagmumukha kang tanga.

Alam mong inibig kita ng wagas na para bang kanino man ay hindi na ako magmamahal. Alam mong minahal kita sa abot ng aking makakaya. Mahal kita ng walang kapalit at mas lalong minahal kita ng walang bahid ng kasinungalingan. At dahil alam mong sobrang mahal kita, sinuklian mo ito. Ngunit ang sukli ng iyong pag-ibig ay walng sinuman ang magnanais. 

Ang pag-ibig mo ay parang isang salamangka. Pinaglaruan mo ang aking mga matang tapat na pinagmamasdan ka. Binulag mo ang aking mga mata at namulat sa pag-ibig mong balot ng mahika.

Sinabi ong mahal mo ako at sobra akong naging masaya.Naniwala ako sa awat bigkas ng labi mo. Napuno ang aking isip ng mga sandaling nag-iba bigla ang ihip ng hangin. Lumisan ka bigla at ako ay naiwan. Iniwan mo ako na puno ng tanong sa sarili. Bakit at anong dahilan? Naghintay na ko na may magbalik mula sa iyong paglisan. Meron nga, lamig at ihip ng hangin na syang umakap sa akin. Umiyak ako alam mo ba?  Nasaktan ako alam mo ba? Umasa ako na minahal mo ako Umasa ako na sapat na ang dahilang mahal kita upang mahalin mo ako. Umasa ako sa wala alam mo ba? Hindi ko pagkukulang na umasa ako at hindi ko pagkakamali na umasa ako dahil ginawa mo akong tanga. 

Araw-araw kong pinag-iisipang king bakit sa dinarami-rami ng tao ikaw pa! sayo pa! Ikaw na mapaglillang at mapagkumwari. Bakit ikaw pa ng minahal? Bakit sayo pa nagmahal? Ikaw na walang ibang alam kundi ang manakit, mang-iwan at sakim.

Tama nga sila. Tama ng ako. Ang pag-ibig kung minsan ay salamangka, Nakakapagpaniwala, ngunit kahit kailan hindi magiging totoo.

Spoken  Word  PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon