Sa laro ng pag-ibig alin nga ba ang mas matimbang,ang lumaban pa kahit talo na o ang sumuko na lang dahil pagod na. Alin ang mas tama, ang lumaban dahil may pag-asa pa o ang sumuko na lang dahil may maha na syang iba?
Dahilan ba ang lumaban pa dahil importante ka o mas dahilan na bumigay na? Dahil kahit kailan hindi ako mananalo sa larong ako lagi ang luhaan.
Lalaban pa ba dahil masaya akong tinitignan ang larawan mo o sumuko na dahil hangagng tingin na lang ako?
Lalaban pa ba dahil kailangan kita o susuko na dahil hirap na?Lalaban pa ba dahil maha kita o mas dapat na sumuko na dahil ayaw mo?
Lalaban pa ba dahil umasa pa? Lalaban pa ba dahil may pag-asa pa? Lalaban pa ba hanggang may luha pa akong mailuluha? Lalaban pa ba dahil may ngiti pa akong ingingiti? Lalaban pa ba hanggang kaya pa o sumuko na lang?
Mahal ko patawad. Siguro hangang dito na lamang ang kaya kong tiisin. Hindi ko na kinaya ang paghabol sa pag-ibig mong takbo ng takbo. HIndi ko natiis ang sakit na paulit ulit nalang pinaghihilom, subalit paulit ulit lang ding nasusugatan. Hindi ko na matiis ang mahalin kapa. Lagi kong tinatanong ang sarili kung hanggang kailan. Hanggang kailan ngaba kita hindi na mahal? Hanggang kailan ngaba ako hihinto at hanggang kailan ako susuko. Ngayon alam kong ngayon na. Tapos na ang paglaban dahil sumuko na.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetryLove heals, love hurts. Masakit ngunit hinahanap-hanap. Ang tanong, Until when? Hanggang kailan maninindigan sa ngalan ng pag-ibig o hanggang kailan masasabing tama na?