Apoy, Bulaklak At Bituin

48 2 0
                                    

Pagkatapos ng lahat ng sakit ay ang pag-usbong ng kapanapanabik na kaganapan. Ang pag-usbong ng panibagong pag-asa at paghilom sa sugat tungo sa muling pagmamahal ng pusong minsan ng nasugatan. Ngunit minsan ang lahay ay panandalian lamang.

Ang pagmamahal mong sing-init ng nagliligabyab na apoy ay nabahiran ng sobrang lamig at ang abo ng dapat ay mananatiling abo  ay tuluyang hin ipan ng hangin, naglaho at nabura, abo na hindi dapat kayang tunawin ng ulan ay tuluyang nabasa, nalusaw ay nawala.

O bakit ba ganyan ang iyong pag-ibig? Nais ko pa sanang akapin ang mainit na apoy ng iyong pag-ibig upang lumambot ang minsan ko nang naninigas na damdamin at nanlalamig kong puso.

O bakit ba ganyan ang iyong pag-ibig? Nais ko pa sanang damhin ang abo ng init ng iyong pag-ibig ngunit bakit bigla itong nawala kung kailan naging masaya ako, kung kailan nakadama ako ng pagkakontento.

Ang pag-ibig mong sing-sariwa ng naghahalimuyak na bulaklak na dapat ay di kailana man mabubulok ni malalanta ay tila binagyo at tuluyang namatay.

O bakit ba ganyan ang iyong pag-ibig? Bakit kung kailan naging parang bubuyog ako na hapo ng hapo sa iyo at para bang hindi ko kayang mabuhay ng wala ka, dun pa nagmaliw ang iyong pag-ibig? Bakit? Bakit dun pa namatay ang hindi dapat mamatay?Bakit dun pa sa puntong ginaganahan akong paulit-ulit kang dalawin, kinakamusta sa lilim ng init ng masayahing araw? Ang hindi ko maintindihan ay ang biglaang nagkagulo sa langit. Ang kulog ay nagalit at sumigaw na yumanig sa pamamayapa ng ating mga puso. Ang kidlat naman na walang kasing tindi ay ang tumapos sa ating pagmamahalan habang ang ulap naman ay hindi na kinaya ang bigat na pasan-psan nitong hinanakit kaya ito ay umiyak at nagbuhos ng sandamakmak na luha na sumalanta at nagpataob sa ating pagmamahalan.

Ang pagsinta mong sing-kinang ng biutin sa langit ay patuloy sa pagningning. Kaysarap pagmasdan ngunit nakaluluhang isipin na ang pag-ibig mo ay para lang isang bituin na panandalian lang kikinang at niningning. Sa pagkagat ng liwanag ay kusa ring maglalaho at hindi na makita ng tanaw at madama ng puso.

O bakit ngaba?

Spoken  Word  PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon